"Oo, pre, nandito na ako sa labas"
"Sige, Jonas. Basta pre, kapag nakita mo 'yung nakasalamin na mahaba ang buhok, naka-orange shirt at naka-shoulder bag, siya na 'yon" paglalarawan niya.Pinakisuyuan lang ako ng barkada ko. Idala ko raw itong bulaklak at regalo niya sa girlfriend niya. 1st month pa lang nila kaya hindi ko pa nakikita ng personal. Ibinigay naman niya sa akin kung anong hitsura ni "Rio". Naghintay ako sa labas ng campus nila. Uwian na ng mga estudyante. Pinasadahan ng mata ko ang mga binibining lumalabas ng paaralan hanggang sa magtugma ang description ni Dex sa syota niya.
Nakasalamin.
Mahaba ang buhok.
Naka-orange shirt.
Nakashoulder bag."Rio!" sigaw ko na agad naman niyang nilingon. Totoo nga. Ang ganda niya. Hanggang kili-kili ko lang siya. Kinulang sa height pero bawing bawi sa mukha. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. As usual, surprise ito. Hindi kasi makakarating si Dex. Nasaktong defense nila at aabutin pa ng gabi.
"May nagpapabigay sa'yo" sabay abot ko sa kanya. "Kanino... galing?" nagtataka niyang tanong. Ngumiti lang ako at saka umalis. Bilin ni Dex sa akin na huwag ireveal agad kung kanino nanggaling. May message pa raw kasi siyang hindi naisesend kay Rio. Kaya naglakad na ako pabalik ng kotse. "Nice, pre, ang ganda ni Rio ah. Hindi naman pala siya ganoon katangkad eh. Bagay na bagay kayo. Ang galing mo talagang pumili" sinend ko sa kanya thru messenger.Agad siyang nagreply.
"PRE! MAS MATANGKAD SA AKIN SI RIO. SEND PIC NGA NG BINIGYAN MO NG GIFTS KO. PRE, BAKA MALI NAPAGBIGYAN MO"
Nagmadali akong bumalik sa pwesto kung saan ko binigay ang mga regalo.
"PRE, MUKHANG NAGKAMALI NGA AKO" reply ko nang may halong pagkadismaya habang pinanunuod sa hindi kalayuan kung paano tapakan ng isang lalaki ang bulaklak na iniabot ko sa napagkamalan kong Rio. Boyfriend niya yata 'yon. Mukhang galit na galit kasi. May kung anong kirot ang naramdaman ko. Sobrang guilty.
Kaya kinabukasan, hinanap ko ang lalaking nakita ko para magpaliwanag.
Nakatayo ako ulit sa labas ng campus. Mga ilang minuto na rin akong nakatayo pero hindi ko pa rin nakikita ang boyfriend niya. Maganda kasi kung sa lalaki na ako mismo magpaliwanag. Dahil kahapon mukhang hindi jiya pinaniwalaan 'yung sinasabi nung girl. Pero oras na ang lumipas at 'yung napagkamalan kong Rio lang ang nakita ko.
"Miss! Miss!" tawag ko sa kanya. Tinitigan lang niya ako mula ulo hanggang paa. "Ako 'to. 'Yung nagbigay ng flowers sa'yo" pakilala ko. Pero imbis na marinig ang sagot niya ay may biglang dumapong kamao sa gawing likuran ng ulo ko. Napasigaw si girl. Paglingon ko, 'yung lalaking nakita ko kahapon na kausap nang napagkamalan kong Rio ang bumanat sa akin. "Tama na, Jason!" awat ni Rio habang pumapagitna sa amin. "Bakit? Siya ba 'yung pinagmamalaki mo? 'Yung bago mo?" galit na dinuduro ako ng lalaking ito na mukhang bouncer sa isang club sa laki ng katawan. Napatingin ako kay Rio. Napatingin din siya sa akin in sorry-makicooperate-ka-na-lang-please way.
"OO, BOYFRIEND KO SIYA!" bulalas niya. "Kaya pwede ba tigilan mo na ang panggugulo sa akin? Idadaan na kita sa guidance office kapag hindi mo nilayuan 'yung boyfriend ko at ako!" pananakot niya.
Hindi pa rin nagsisink-in ang mga nangyari. Dinala ako ni Rio sa isang parle malapit sa campus nila. Nilagyan niya ng paunang lunas ang natamo kong bukol sa ulo. Nursing student siya. Obvious sa suot niya ngayon.
"Hey!" wika ko sa kanya na tulala rin sa mga nangyari. "That was my mistake" sabay ngiting aso sa kanya.
Nagulat naman ako sa sagot niya.
"Thank you!" tapos hinawakan niya ang kamay ko. "Break na kami noon, ni Jason. 2 weeks na rin siguro. Nagsawa na ako kasi hindi pagmamahal ang nararamdaman ko mula sa kanya." Sa isang pikit lang biglang naging blangko ang mga mata niya. "Pakiramdam ko ginirlfriend niya ako dahil sa pangangailangan niya? You know, 'yung ano." sabay binasa ko sa labi niya ang sinabi niya - sex. "I refused. Ayaw ko. Akala niya siguro dahil lang sa 3 years na kami, makukuha na niya gusto niya. Hindi niya ako nirespeto sa desisyon ko. Then boom, nagbago lahat. Lumabas ang totoong kulay niya. Ilang beses kong hiningi kay Lord 'yung sign kung si Jason na ba ang para sa akin. Nakatanggap naman ako ng sign. Tapos 'yung sign na 'yon pala eh para bigyan ako ng babala na 'Anak, ang pagmamahal walang hinihinging kondisyon. Kaya timbangin mo kung pagmamahal pa ba ang nararamdaman sa'yo ni Jason'" napahinga na lang siya ng malalim."And then you came. Your mistake saved me. And I'm thankful with that." sabay yakap niya sa akin.
Naestatwa ako. Lumakas ang kabog ng dibdib konat naramdaman ko ang bahagyang oamunula at pag-init ng mukha ko. Natatae na nga rin yata ako. Tatlong segundo lang niya ako yinakap pero pakiramdam ko sobra-sobra pa doon dahil parang bumagal ang mundo.
Whoa.
"Sorry. Hahaha. Para akong ewan. Nadala ako ng mga nangyari. Ngayon ko lang nafifeel na parang secured ako kaya ... argh! Nakakahiya" wika niya na mahahalata mong naawkward siya sa ginawa niya.
"I'm Jonas!" sabay alok ng shake hand sa kanya. Ewan ba. May kung anong force ang bumulong sa akin na nagsabing - huy, magpakilala ka.
Tinignan niya ang kamay ko. Akala ko tatanggihan niya.
"I'm Rio. And I'm sure kapangalan ko 'yung dapat pagbibigyan mo." pang-aalaska niya. "Girlfriend mo siguro na nakilala mo lang sa Omegle or dating app ang pagbibigyan mo, 'no?" dagdag niya. Umiling ako. "No. NGSB ako" nahihiya kong sagot.
Sabi nila kapag nakakagawa tayo ng pagkakamali, may dalawa lang tayong pamimilian. It's either you live with it, or you fix it.
Sa kaso ko, that one mistake is my life's turning point.
After 1 year, hindi na ako member ng NGSB Club.
4 years after, we got married.And yes, I lived with my mistake. I lived with my Rio.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Historia CortaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.