May isang hari ang nakakaramdam ng labis na panghihina dahil sa lumalalang karamdaman. Naghahanda na siya sa pagpanaw ngunit isang bagay lang ang iniaalala niya. Walang magmamana sa kanyang kaharian dahil sa wala siyang anak.
"Ipatawag ang lahat ng kabataan sa aking palasyo" ang utos ng hari sa kanyang mga sundalo.Isa si Juancho sa mga kalalakihan na dumalo sa pagtitipon na inihanda ng hari.
"Kayong lahat ay punatawag ko dahil sa isang bagay na lubos na kinakailangan ng ating kaharian. Isa sa inyo ang hihiranging susunod na hari sa oras na magpantay na ang mga paa ko" anunsyo ng hari.
Pagkatapos noon ay pinagbibigyn ang bawat kabataan ng tig-iisang buto ng halaman.
"Ang butong iyan ay itatanim ninyo, iingatan at aalagaan sa ilang panahon. Pagkatapos ng anim na buwan, lahat kayo ay babalik rito dala ang mga bunga ng itinanim niyo"Pagkatapos ng anim na buwan.
Bawat kabataan ay may kanya-kanyang dala. Ang iba ay nasa tiklis, yung iba nakalagay sa sako at ang iba ay nakalagay pa sa isang malaking kariton maliban kay Juancho na walang kadala-dala kundi ang kanyang sarili.
Lumapit ang hari sa mga kalahok. Tinignan kung sino ang may pinakamarami at pinauwi ang may pinakamaunti. Nang mapadaan ito kay Juancho ay biglang tinuro ng hari ang pintuan na nagsasabing umuwi na siya.
Pero hindi lang pinansin ito ni Juancho.
Nagtawanan naman ang mga kasama niya dahil nakapako lang ang tingin nito sa hari at nanatiling walang kibo.
"Nasaan ang mga bunga? Hindi ba't ang may pinakamaunti ay uuwi? Paano pa kaya ikaw na hamak ang kapal ng apog na bumalik na ang tangi mo lang dala ay iyong sarili?"Tumalikod ang si Juancho at humiling sa mga sundalo na ibukas ang pinto sa pinakamalawak na paraan.
"Anong kalokohan ito?"
"Ang sabi niyo mahal na hari ay bumalik dala ang mga bunga ng puno pagkatapos alagaan at ingatan ang buto pagkalagas ng anim na buwan. At nais ko pong makita ninyo, mula sa dakong iyon na ilang kilometro ang layo rito ay matatanaw niyo ang tuktok ng isang puno. Sa sobtang tayog ng pagkakatubo ng aking pinagpagurang pananim, hindi ko na magawa pang masungkit ang bunga. At dahil nga sa taas nito, sa oras na anihin mo ang bunga nito ay para ka na ring nanungkit ng butuin na nagsabog sa langit. Paano ba 'yan Mahal na Hari? Mukhang ang trono na niyo lang ang masusungkit ko"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.