Sa daan.
"Hey? You!" sabi ng isang lalaki na nakasalubong ko.
"Ako?" tanong ko.
"Sino pa ba?"
Lumingon ako sa paligid ko. Walang tao.
"Oo, ikaw nga Miss G"
"Miss G? Sorry, hindi iyon ang pangalan ko" tapos nagwalk out na ako.
Kinabukasan.
"Miss G! Good Morning!"
"Nandito na naman siya, shit" bulong ko.
"Kumusta ka?"
"Sabi ni Mama, don't talk to strangers daw kaya I have to go" tapos tumakbo na ako palayo.
"Hello Miss G!"
"Utang na loob tantanan mo na ako. Hindi kita kilala, hindi mo ako kilala at sapat na iyun para layuan muna ako, OKAY?" diin ko.
"Edi magpapakilala ako" wika niya habang sunod pa rin ng sunod sa akin kahit hindi ko naman na siya kinakausao.
"No need"
"Jenson, 19, Engineer"
"Ah, aral mabuti" pahayag ko.
"Kilala kita, Miss G"
"Talaga?" Nagpatuloy lang akong maglakad
"Oo, namumukhaan nga kita e"
Tumigil ako tapos humarap sa kanya.
"Sige nga, sino ako"
Ngumiti siya pero tinarayan ko lang.
"Kilala kita kasi ikaw na yata yung panghabang buhay ko, Miss Girlfriend Material"
Dapak.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Cerita PendekKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.