"Bakit ba hindi pa nausad yung pila?" tanong ko kay Ria. Nakakainip kasi 15 minutes na kami rito pero wala pa ring pag-abante ang nangyayari. Gutom na gutom pa naman na ako. "Nandiyan na naman kasi sila Brandon, Tamara. As usual, ang mga hipokrito nating kaeskwela nagbibigay galang sa diyos-diyosan na 'yon"
Kumukuko na talaga ang dugo ko sa grupo nila Brandon na 'yan. Sukdulan na talaga ang kademonyohan.
Naubos na ang pasensya ko kaya naman hinigit ko na ang braso ni Ria. "Huy, girl! Saan tayo pupunta?" nagtataka niyang tanong. "Kung naghahari-harian yang Brandon na 'yan, edi magreyna-reynahan tayo!" pagkatapos ay sumingit kami sa pila malapit sa mga pagkain.
"Ano ba naman?" sabay siniko kami nung babaeng mukhang pugita palabas ng pila. "Aray!" alma ni Ria. Nilapitan ko yung babae na gumawa sa amin noon at saka siya tinalakan. "Kapag yung grupo ni Brandon ang gumagawa nito, para kayong maaamong tupa na naglalaglagan ang mga panty. Ano 'yun? Sila lang ang may karapatang maging demonyo? Ha?" dala ng emosyon ay napaturo ang kamay ko sa labas ng pintuan. "Kung may problema ka sa ginagawa ko, una mong ireklamo yung gruopong 'yon! Puro pagwapo na akala mo naman lahat ng babae kayang kaya nilang paikutin sa palad nila. Doon, pumunta ka. Lumuhod ka at humingi ng saklolo sa lalakung maling ulo ang pinapairal"
"Ano kamo?"
Napatigil ako sa ilang ulit na pagkalabit ni Ria sa tagiliran ko. Maya-maya ay may biglang humawak sa braso ko. Nilingon ko ito. Laking gulat ko ng bumungad sa akin si Brandon kasama ang mga tropa niya.
"Next time na sisiraan mo ang pangalan ko at ng mga kasama ko, make sure na malayo kami sa iyo o mahina ang boses mo ha?" sabay hinikit niya ang hawak sa braso ko. Nasasaktan ako peri di ako nagpahalata. Lalong hinikit pa niya. At sa halip na ipakitang masakit ay nginitian ko lang siya at kinindatan.
"Ngiti ka pa ha ..." sabay hinigit niya ang braso ko palapit sa kanya saka idinikit ang mga labi niya sa labi ko. Mariin niya akong hinalikan na di ko alam kung anong mahika pero ginantihan ko ang bawat paglapat ng labi niya sa labi ko.
"Hahahah magyayabang ka pa, Miss. Bibigay ka rin pala sa halik ko" Iniwan nila akong tulala habang umuugong ang mga hagikgik ng mga nakasaksi sa pangyayari.
Kinabukasan, ginising ako ng nanay ko. Himala. Ngayon lang nagkaconcern nanay ko sa paggising ko. "Ikaw na bata ka, sinabi kong mag-aral ka hindi pag-aralan ang paghalik" sabay kurot ni nanay sa tagiliran ko. "Ha? Anong sinasabi niyo Mama?" Imbis na salita ay sinagot ako ng bidyo na nagpe-play sa selpon niya. Viral pala ngayon sa peysbuk yung nangyari kahapon, shit.
"Sino ba itong lalaki na ito? Ikaw, Tamara, sinasabi ko sa iyo. Kaoag hindi sa akin nagpakita ang lalaking iyan bukas, titigil ka na sa pag-aaral!"
Titigil ka na sa pag-aaral
Titigil ka na sa pag-aaralNag-echo yung sinabjng iyon ni Mama sa akin. Tulala akong pumasok at balisa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napaupo nalang ako sa bench habang napapahawak sa mukha "Shit, ano ba naman kasi itong pinasok ko?"
Maya-maya ay nakaramdam ako ng malagkit na kung ano sa kinauupuan ko. Pagsilip ko ay may chewing gum pala na dumikit sa palda ko. "Kung sineswerte ka nga naman talaga" sabay mura ng pabulong. Pero hindi lang iyon ang nakapukaw ng atensyon ko. Nakita ko na ang bench palang ito ay tambayan ng grupo ni Brandon. Maraming vandalism sa kugar na ito. May mga upos rin ng sigarilyo na aakalain mong dekorasyon na nakatapon sa ilalim ng mesa dahil sa kapal.
Pagpihit ko para umalis na sana ay nauntog ako sa dibdib ng lalaki na may nakakaakit na amoy. Pag-angat ng ulo ko ay nakita ko na naman ... Si Brandon.
"Gusto mo talaga ako 'no?" presko niyang saad habang ibinubulsa ang basyo ng sigarilyo.
"Ah ... Eh ... Hindi ah! Bakit naman kita mgugustuhan?"
"The way I kissed you? Hindi mo ba hinanap-hanap?" tapos tumaas pa ang kilay niya.
Kiss? Hinahanap-hanap?
Shit!
"Brandon, pleaseeeee. Yung mama ko hinahanap ka. Kasi naman may nag-upload nung video kahapon. Sinabi niya ... Di na daw ako pag-aaralin kapag di ka humarap sa kanila"
"Oh? Bakit ako haharap sa magulang mo? Ni hindi nga kita type jan. Hahahah"
"Tanggap ko 'yun. Tsaka di rin kita type. Para sa future ko lang. Akala ng mama ko humaharot lang ako dito. Eh wala akong jowa since birth tapos dahil lang diyan sa peste mong halik, napeste na kinabukasan ko"
"Hahahahahaha" tumawa lang si Satanas.
"Please naman, Brandon. Kunwari lang naman tsaka haharap ka lang aa magulang ko. Period"
- - -
"Asan mama mo?" tanong ni Brandon. "Sabi niya sandali lang raw at kukunin daw niya pameryenda sa'yo" bulong ko.
"Oh mga anak, nandito na ako!" sigaw ni Mama habang dala ang isang bilao ng kakanin.
"Oh, Ma? Anong ginagawa nila?" turo ko smkala Tita, Tito, Lola, Lolo, pinsan ko, kuya ko, ate ko, mga pamangkin, pinsan ko tapos mga kapitbahay ko.
"Edi syempre meet the parents 'to kaya ayan! Dapat meet the family na rin diba?" Nakangisi namang saad ni Mama. Napahawi nalang ako sa buhok ko at pasimpleng sinulyapan si Brandon. Kitang kita ko ang pagngiwi niya. Napatingin rin siya sa akin at wala akong ibang nasabi sa kanya kundi "heheheh sorry"
- - -
"Akala ko ba haharap lang? Bakit parang yung pinuntahan ko naman eh pagpapanantu na?" reklamo ni Brandon habang lumalabas kami ng bahay.
"Yun naman kasi ang sabi ni Mama. Akala ko rin naman eh, hindi lang ikaw ang nabigla" Nakonsensya tuloy ako kasi bakas sa mukha ni Brandon na napasubo siya sitwasyong ito.
"Ayan tuloy! Nananahimik ako tapos biglaan akong magkakaroon ng girlfriend dahil sa'yo!"
"Sorry. Tsaka hindi naman natin tototohanin diba? Hanggang doon lang alam nila. Wala rin naman akong balak na panindigan yung alam nila"
"Ako may balak" sagot niya na ikinagulat ko.
Nanlaki ang mata ko at hindi nakapagsalita. "Ang isang relasyon, hindi ginagawang biro. Kaya simula ngayon, akin ka na. Jowa na kita. Pagmamay-ari na kita. "
Sabay labas niya ng isang pakete ng sigarilyo. "Swerte mo kasi bukod sa virgin ako, first girlfriend kita" sabay hithit at buga ni Brandon.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.