"Hi, James!" bati ni Alessandra ng makasalubong ko siya sa gate ng school.
"Hello!"
Narinig ko siyang napatili pagkatapos ko rin siyang batiin. Maya-maya habang naglalakad ako, may biglang yumakap sa likuran ko.
"Omg, sorry James. Tinulak kese eke nung leeke" paliwanag niya habang nakapulupot angmga braso niya sa katawan ko.
"Sorry, Alessandra. Zombie ako e" sabay kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"James, help! Tulong huhuhuh" sigaw ni Cindy nang makita ko siyang nakaupo habang nakaunat ang mga paa sa damuhan.
"Bakit?"
"Nadapa kasi ako. Baka pwede namang pakihilot yung biniti ko, pere keseng nepeleyen eke" wika niya habang yung mukha niya nag-eexpress ng pain.
Nilapitan ko siya kahit na labag sa kalooban ko.Hinawakan ko yung binti niya at masasabi ko na wala namang pilay o kahit na naipit na ugat rito.
"Ouch! Ang sakit naman. Huhuh ang sakit, medyo itaas mo pa nga, James. Banda rito" utos niya habang itinataas niya ang palda niya to the point na pati doble niyang suot ay nakita ko na.
"Sorry, I have to go. Zombie kasi ako, Cindy"
"Ha?" pagtataka niya ng sinabi ko iyun.
Sa klase.
Nagsasalita si Mrs. Cruz sa harap tungkol sa mga Balancing Equation. Tahimik akong nakikinig ng mapansin ko Samantha na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa laglag ng laglag yung ballpen niya.
"Pssst! James, tulong nga nalaglag kasi ballpen ko" wika niya.
Napatingin ako sa kanya at sa ballpen na kanina pa baldado sa pagkakahulog. Akmang kukunin ko na sana yung ballpen ng biglang hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos ay animong higad ang mga kamay niya na umaakyat sa braso ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Ang tigas naman ng muscle mo"
"Mas matigas yan kapag inuntog ko ulo mo rito"
Napabalik siya sa pagkakaupo niya pagkatapos kong masabi iyon.
"Sorry, Samantha ha? Zombie ako e"
Pagkalabas ko ng classroom, nakita ko sila Alessandra, Cindy at Samantha na nakaabang sa paglabas ko.
"Problema?" tanong ko sa kanila habang tinititigan ko lang sila ng seryoso.
"Bakla ka ano?" ani Alessandra.
"Hahaha kaya pala hindi ka nagkakagirlfriend" dagdag ni Cindy
"Lumalapit na sa'yo ang palay, hindi mo pa tinutuka" pangwawakas ni Samantha.
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Sorry, Zombie ako e. I only value brains and not someone's body and face" sabay alis sa tatlong powerpuff girls.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Historia CortaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.