The One & The Wand

8 3 0
                                    

"Ano bang napapala niya sa giagawa niya? Sa estado ng buhay niya, bakit mas pinipili niya pa rin ang umakto na parang bayani?"

Buti nalang at ang bakanteng bahay lang na ito at ang sigarilyo ko ang nakakarinig ng mga sinasabi ko.

Sa hindi kalayuan, natatanaw ko ang tumpok ng mga batang kalye.

Lahat sila ay nakapako ang paningin sa isang dalagang nasa harapan nila.

Batay sa mga usap-usapan, siya si Anna Faye - ang kaisa-isang anak ng yumaong tanyag na majikero sa bayan namin.

Iniwan na siya ng kanyang Ina at hindi na nakapag-aral pa. Tanging pagsasalamangka nalang ang bumubuhay sa kanya at hindi ko maunawaan ang takbo ng isip niya kung bakit araw-araw, winawaldas niya ang kanyang oras sa pagmamagic na hindi naman kayang bayaran ng mga bata na pinapasaya niya.

Nagpalakpakan na ang mga bata. Tapos na naman ang kanyang palabas.

Pagkalabas ko sa aking tambayan, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Sino siya para ngitian ko?" bulong ko sa sarili ko habang inaapakan ang namatay kong sigarilyo.

Tinignan ko lang siya. Wala akong binalik na ngiti. Sumakay na ako sa sasakyan kong may apat na gulong at binalewala ang ngiti ng dalagang iyon.

Hithit, buga, hithit, buga. Mula sa isang panyo, naipalabas niya ang isang pulang rosas.

"Kalokohan" napailing na usal ko.

Madalas na niyang ginagawa yon. Nakakaumay na nga, sa totoo lang. Pero dahil sa mga bata siya nagtatanghal, aliw na aliw pa rin ang manunuod niya.

Nagplano na akong umalis ngunit napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Araw-araw kitang nakikita sa bakanteng bahay. Lagi kang nakauniporme. Oras pa ng klase pero bakit mas pinipili mong manuod sa mga magic ko kaysa makinig sa guro mo?"

Hinarap ko siya at binugahan ng makapal na usok ng sigarilyo.

"Mas masarap panoorin ang palabas mo kaysa makinig sa nakakabagot na klase ko"

Kinindatan ko siya at iniwang nakatayo sa puwesto niya. Akala niya masisindak ako sa sinasabi niya? Doon siya nagkakamali.

Kinabukasan, nagtaka ako sa aking nakita. Wala ang mga bata. Wala rin ang majikerong dalaga.

"Hindi mo na muling makikita ang magic ko" pagbasag niya aa paghahanap ko. Lumabas siya sa bakanteng bahay at dahan-dahang lumapit papalapit sa akin.

"Pumasok ka! Tapusin mo ang maghapon sa loob ng paaralan mo. Sa oras na ginawa mo iyon, pagkatapos ng klase mo ay magkikita tayo sa lugar na ito. Magtatanghal ako sa harap mo"

"Paano kung hindi ko gawin?"

Sa puntong iyon ay mas lalo siyang lumapit sa akin. Napapahakbang ako paatras sa ginagawa niya. Hinawakan niya ang balikat ko at binigyan ng isang blangkong ekspresyon ng kanyang mukha.

"Kung hindi, kaawa ang mga bata"
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at umiwas ng tingin sa mapang-akit na mga mata niya

"Haahahah. Pakialam ko doon!"

"Ikaw, kumpleto ang pamilya. Sila? Palaboy sa lansangan. Ikaw, nakakapag-aral. Sila? Maagang nakikipagsapalaran. Magic ko ang isa sa mga paraan para kahit sa maiksing oras ng pang araw-araw nila ay makalimutan nila kung gaano kalaki ang ipinagkait ng mundo sa buhay nila. Kaya kung ipagkakait mo sa sarili mo ang oportunidad na makapag-aral, para mo na ring ipinagkait sa mga bata ang karapatan nilang lumigaya"

Ang bawat salita niya ay parang mga patalim na tumatarak sa puso ko. Pinilit ko ang sinabi niya.

Ginawa ko kahit labag sa kalooban ko. Inaamin kong hindi ito ang normal na Clifford.

Dahil sa pagkakaalam ko, isang espesyal na pagtingin ko sa kanya ang nagturo ng tamang landas na naliligaw kong paglalakbay.

Araw-araw nagkikita kami.

Ang bakanteng bahay na ang nagsilbi nming tagpuan.

Hithit, buga, hithit, buga.

Sa pamamagitan ng isang payong, nilabas ni Anna Faye ang isang dosenang maliliit na payong.

"Bravo! Bravo! Bravo!" Slow clap para sa kanya.

"Para ka namang bata, Clifford" panunukso niya saakin.

Sininop niya ang kanyang mga gamit. Sinilid sa bag at isinukbit sa kanyang likuran.

"Aalis kana?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, Clifford"

"Sandali!!!" Diin ko.

"Kapag nag-magic ako ngayon ng dalawang beses, papayagan mo ba akong ligawan ka?" Dugtong ko.

Tinawanan niya lang ako ng pagkalakas-lakas. Alam niya kasi na wala akong kaide-ideya kung paano mag-magic.

"Seryoso? HAHAHAHAH Oh sige nga, ipakita mo"

Bakas sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin. Pero kumpyansa ako sa pagkakataong ito na mapahanga siya sa ipapakita ko.

"Una, kaya kong i-magic ang mata mo! Pumikit ka!" utos ko na agad naman niyang ginawa.

"Kapag kabilang kong tatlo, ang makikita mo ay puro positibo" pagpapaliwanag ko.
Dahan-daan kong kinuha sa bag ko ang card ko. Nakangiti siya habang nakapikit. Akala niya yata nagloloko ako.
"Isaaaaa, dalawaaa, tatlooooo"

"Ano iyan?" Tanong niya nang iniabot ko ang card ko.

"Tadaaaaaaa! Yan yung grades ko ngayon"

"OH MY GGGGGGG! WOWWWW ANG GALING CLIFFORD CONGRATSSSSSS!"
Sa sobrang walang pagsidlan ang galak na nararamdaman niya, napayakap sa akin ng mahigpit si Anna Faye.

Napatahimik siya. Narealize yata niya na nakayakap siya sa akin. Unti-unti niyang inaalis ang higpit ng yakap niya. Pero bago pa man siya tuluyang kumalas sa pagkakayakap ay isinandal ko siya sa pader.

Nanlaki ang mata niya.

Nararamdaman ko ang paghinga niya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ako manyakis kaya kumalma ka"

Tumango lang siya. Yung mga mata niya? Unti unti akong binibihag.

"Panahon na para sa ikalawa kong magic"

Nakakulang siya sa mga braso ko ngayon. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at saka ibinulong ang huling palabas ko.

"Kaya kong pabilisin ang tibok ng puso mo"

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napapikit siya. At sa unang pagkakataon, binigay ko ang isang halik sa kanyang noo.

Dugdug-dugdug.

"Paano ba 'yan? Mukhang pumatok ang magic ko?"

Kinindatan ko lang siya at hinampas niya ako ng kamay niya.

"Oo na, manliligaw na kita!"

At saka niya malambing na isinandak ang ulo niya sa balikat ko.

"Sa sobrang galing mong salamankero, pati puso ko na-magic mo" - Clifford

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon