"I'm home" she texted. From that very moment, I knew that the coming days will be one for the books. Makakasama ko na naman siya. Hindi pa pumipitik ang segundo ay pinaandar ko na ang aking motorsiklo papunta sa kanya. Papunta kay Laura. Papunta sa mahal ko.
"Sabi ko sa'yo i-text mo ako kapag uuwi ka para ako na ang sumundo sa'yo at maghatid sa bahay niyo ng personal. Para alam ko kung safe ka ba o hindi. I told you that so many times. Tell me the plate number ng sinasakyan mo, the name of the driver, kung sino ang katabi mo para ... para wala akong inaalala, Love." She kissed me. Sa ilong ko, to be specific. "Ayan ka na naman, Conrad Alejandro. Ang OA talaga ng boyfriend ko. Surprise nga 'di ba? Surprise. Pero mukha ka namang hindi masaya" nagtatampong saad niya. "No. Of course I'm surprised. I'm happy that you're home. What I'm saying is, kapag safety mo ang usapan, syempre gusto ko updated ako. You know 'di ba? That holidays like this is what I'm looking forward. Favorite ko 'to sa lahat kasi ito ang mga araw na umuuwi ka kaya gusto ko ng assurance na you'll arrive safe and sound" I explained. She's studying in Manila while I'm at La Union. "Opo na. Pangako na sa susunod kong pag-uwi, ipapaalam ko na sa'yo para ikaw na ang manunundo sa akin ng personal" wika niya habang nakadantay ang kanyang ulo sa aking balikat. "Tara sa tagpuan?" aya niya.
Tagpuan - tawag ni Laura sa dagat. Dito raw kasi makikita kung paano nagtatagpo ang langit sa dagat at ang dagat sa lupa. "Love! Picture, please?" wika niya habang masiglang nanakbo sa buhanginan. "Gusto ko 'yung maganda ako" request niya. Hindi naman mahirap sa akin dahil saang anggulo man ako tumingin, nakakapang-akit pa rin ang ganda ng girlfriend ko. Sa ilalim ng bughaw na langit. Sa musika ng mga naghahampasang alon. Sa yakap ng malamig na hangin. Doon, magkasama naming hinintay ang paglubog ni Haring Araw.
The other day, si Laura naman ang bumisita sa bahay. Nadatnan niya si Mommy na nagtatanim ng mga rosas. Out of nowhere, may naisip na naman ang girlfriend ko. "Tita, pwedeng makahingi?" tanong niya kay Mommy. Syempre itong Nanay ko, pinagbigyan naman ang kanyang future manungang. "Love, magtanim naman tayo ng mga rose." hiling niya. Tututol sana ako dahil hindi ko naman trip ang ganoon. Pero I have no choice but to go along with her. And iyun nga, nagtanim kami. Sabi niya doon raw sa tabi ng basketball area ko sa bahay. Nadagdagan tuloy ang responsibilidad ko. Dalawa na ang dapat na ingatan ko. Una, 'yung rosas. Pangalawa, 'yung mahal kong sing rikit ng rosas.
Siya ang babae na hindi ko inaasahang makakapagpabago ng buhay ko.
Kung paano ko tignan at unawain ang mga bagay - nang makilala ko siya - ay masasabi kong higit na lumalim, mas naging seryoso, lahat nagkaroon ng direksyon.
Ang sarap mahalin at magbigay ng pagmamahal sa iba. Sa puntong ito masasabi ko talaga na mapalad akong natagpuan ko ang ganitong uri ng pagmamahal - 'yung pagmamahal na nasa tamang panahon kasama ang tamang tao.
Normal na araw. Nakabalik na si Laura sa dormitoryo nila sa Manila. LDR - kasama na naman kami sa samahang iyan.
"Ikaw ang mundo ko, Laura. Mahal na mahal kita."
"Ikaw naman ang mahal ko, Conrad! Ayieeeee. Hintayin mo ako sa pag-uwi ko ha? Ipapaalam ko na sa'yo 'yun kapag nagkataon, Love"
"I'll wait for you!"
"I'll miss you already. I love youuuuuu hanggang sa magunaw ang mundo, Conrad!"
BUT YOU KNOW WHAT?
THIS IS SUPPOSED TO BE
OUR STORY
WITH A HAPPY ENDING
NOT UNTIL ...
LAURA TESTED POSITIVE IN COVID-19
AND DIED AFTER A FEW WEEKS.
Halos mamatay ako sa balitang iyon. Parang tumigil lahat ng sistema ko.
"Pauwi na si Laura" mensaheng natanggap ko sa mga magulang niya. Hinintay ko siya. Ihahatid ko siya sa bahay nila pero hindi dapat sa ganitong paraan. Ang bilin ko ipaalam niya ang pag-uwi niya hindi sa ganitong sitwasyon na malamig na siyang bangkay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil finally alam kong uuwi na 'yung mahal ko o magagalit ba ako dahil ginagago ng sakit na 'yan 'yung buhay ng mahal ko, 'yung kwento 'tong.
May liham na inabot sa akin ang Ina ni Laura. Napangiti pa ako kasi ang pangit talaga ng sulat ng mahal ko.
Pero nagkagulo ang luha sa mata ko. Nagkakarerahan silang tumulo sa mukha ko. Marahil ito na yata ang pinakamasakit na nabasa ko - ang huling habilin ng dapat ay magiging misis ko.
"Conrad, gusto kong malaman mo na lumalaban ako. Pero kung sakaling mabasa mo ito, marahil ay dahil ay tuluyan na akong natalo sa laban na ito. Love, gusto kong ilagay mo sa kabaong ko 'yung larawan na kinuhanan mo sa tagpuan. Gusto kong katabi ko sa huling hantungan ko 'yung mga rosas na magkasama nating itinanim, okay? Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Ramdam ko kasi 'yung pagmamahal mo sa akin, mahal, kaya baka sa mga oras na ito, gulong gulo 'yung isip mo kakaisip sa akin. Huwag, mahal. Simula ng makilala kita alam kong hindi na ako nawala sa isip mo. Hindi dahil sa nag-aassume ako kundi dahil nakikita ko 'yun sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Ikamatay ko man ang epidemyang ito, palagi mong iisipin na sa huling paghinga ko, isa ka sa mga dahilan ng paglaban ko.
Dahil gusto pa kitang lambingin.
Gusto pa kitang yakapin.
Gusto pa kitang halikan.
Gusto pa kitang angkinin, Conrad, pero pinababalik na ako sa langit.
Masakit sa loob ko na sabihin sa'yo 'to mahal, pero hanggang dito na lang ako sa kwento mo"
Napaluhod. Humagulgol. Inilapit ko ang liham na iyon sa puso ko, nagbabakasakali na sa sandaling maramdaman ng mga letra ang bawat pintig ng puso kong pangalan ni Laura ang sinisigaw, may magmilagro, may mabigay ng buhay sa babaeng pinaglalamayan ngayon.
Saang kamay ng santo ko kukunin
ang isa pang pagkakataon na kahit isang minuto lang,
masabi kong muli kay Laura ang paborito kong mga pangungusap ...
"Ikaw ang mundo ko, Laura. Mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Storie breviKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.
