"Honey, 'asan ka na?"
"Heto, malapit na. Hintayin mo ako jan sa dating tagpuan"
"Osige, bilisan mo ha? At dapat nasa bahay na ako bago makauwi si Mama at Papa"
Monthsary namin ni Keith. At nandito kami sa mall para mag-date para sa special day namin. Heto na siya, kasama ko na. HHWW kami dahil wala namang makakakilala sa amin dahil nasa work ang parents ko.
Sa isang fastfood chain, isusubo ko na sana ang fried chicken nang bigla kong nakita sila Mama at Papa sa labas at mukhang papunta dito dahil nagtuturo si Mama. Nagtago ako sa ilalim ng mesa.
"Honey, anong ginagawa mo?"
"Anjan sila Mama" bulong ko.
Kailangan naming makaalis. Pero paano? Maya maya ay nakita ko yung waiter na may dalang order. Kinuha ko iyun pagkatapos ay hiniram ko na rin ang suot niyang sumbrero para maitago ang mukha ko. Naglakad ako at pinasunod ko si Keith. Yukong yuko ako na halos makabunggo na basta 'wag lang akong mabuking ng parents ko.
"Honey, bili nalang tayong couple shirt?" Yaya ko kay Keith habang nakapalupot ang braso ko sa braso niya.
Nagtitingin na kami ng damit. At sa kamalasan, nandito rin sila Mama. "Tara na, Honey. Next time nalang andito sila Mama"
Sh*t! Ang hirap talaga kapag hindi legal. Payuko kaming tumakbo palabas pero biglang may humatak sa braso ko.
"Chantal? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Papa.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni Mama.
Nagtatago sa likod ko si Keith. Pero hinatak siya ni Papa palayo sa likod ko. Napangiti sila. Silang dalawa.
"A-anong ibig sabihin niyang ngiti n-niyo? Hindi kayo galit?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi Chantal. Bakit kami magagalit ng Papa mo e ang cute cute niyo ng pinsan mong si Keith. Hi! Keith pakumusta ako kay Mareng Wilma ha?"
Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Cerita PendekKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.