Birthday Wish

257 21 0
                                    

"Happy 7th Birthday, Joey" bati ni Mama habang hawak ang isang napakalaking cake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Happy 7th Birthday, Joey" bati ni Mama habang hawak ang isang napakalaking cake.

"Mag-wish ka na, anak, bago mo i-blow yung candle"

Pumikit ako sandali at humiling sa Iyo.

"Sana lagi niyo po akong bigyan ng happy family"

Isang taon ang lumipas, nabalitaan nalang namin na binawian ng buhay ang haligi ng aming tahanan. Umiiyak si Mama noon. Pero dahil bata ako noon, akala ko natutulog lang siya. Pero hindi pala dahil ngayong sampung taong gulang na ako, wala ng ama ang umuuwi sa aming tahanan

"Happy 10th birthday, Joey" naiiyak na bati ni Mama habang dala ang isang cake na mas maliit kumpara sa cake ko noon.

"Bago mo i-blow ang candle, mag-wish ka anak"

Sa ilang pagkakataon, pipikit na naman ako't hihiling.

"Sana bigyan niyo po ako ng laruang de baterya. Yung ginagamitan ng remote control"

Nalagas ang isang taon at nakakalungkot malaman na lumulubog na pala ang negosyong iniwan ni Papa. Nagkasakit kasi si Mama kaya hindi na niya naasikaso ang pangkabuhayan namin. Ngayon, labing dalawang taon na ako. Sa isang kisapmata, ang buhay ko ay malayo na ang tinalon mula sa nakaraan.

"Joey, happy 12th birthday" emosyonal na bati ni  Mama habang tinutusok ang kandila sa isang mamon na binili niya sa panaderya.

"Mag-wish ka muna Joey ha? Bago mo hipan ang kandila"

Sa pagpikit ko, dahan-dahang pumatak ang aking luha.

"Hihiling ako na sana kahit sa pagkakataong ito ay matupad nawa. Sana matapos ko ang elementarya bilang isang Valedictorian. Gusto kong magtalumpati at iparinig sa kanila kung gaano ko ipinagmamalaki ang nanay ko"

Graduation day na at nakatanggap ako ng medalyang pilak bilang isang Salutatorian. Hayskul na ako. Ngunit hanggang ngayong labing limang taon na ako, nanatiling blangko pa rin ang bawat katuparan sa mga hiniling ko.

"Happy 15th Birthday, Joey" bati ko sa sarili habang sinisindihan ang kandila. Kandilang nasa puntod ngayon ni Ina. Iniwan na niya ako.

At ngayon ay mag-isa na ako.

Pumikit ako habang nanunumbalik ang lahat kung paano naging bangunot ang pinangarap kong buhay.

Hihiling ako. Sa huling pagkakataon.

"Sana mamatay na ako" ang nabigkas ko habang nakatingin sa puntod ng aking mga magulang.

Nalulong sa bisyo. Napariwara't mistulang naligaw na tupa. Wala ng direksyon ang buhay ko pagkat kahit anong gawin kong pagpapakamatay - magpadanas, magpabugbog, gumamit ng bawal na gamot - nanatili pa rin akong buhay pero patay ang pag-asa.

Hanggang sa sumuko na ako sa mga pulis. Sa loob ng selda, doon ko ginugol ang panahon.

Nakilala Kita dahil sa pastor na nangangaral doon. Umiyak ako Sa'yo tuwing gabi dahil naghihinanakit ako.

"Nasan na ang mga katuparan sa hiling ko? Naririnig mo ba ang mga iyon? Mabait naman ako noon at wala akong ibang pinangarap kundi ang kabutihan ng pamilya ko"

Pero wala pa ring sagot.

Hanggang sa nasabi ko na nais kong bumalik ng pag-aaral. Nakuha akong iskolar. At sa mga panahong iyon, para bang nagbago ang inog ng tadhana.

Naintindihan Kita.

Naintindihan ko na lahat.

Hiniling kong maging valedictorian sa elementarya, pero hindi Mo binigay dahil pagdating sa kolehiyo, ibinigay Mo sa akin ang isang latin na karangalan bilang isang Magna Cumlaude.

Hiniling ko na bigyan mo ako ng laruan noon, pero hindi Mo binigay dahil binigyan Mo ako ng magandang trabaho kaya naman ako na ang nagbibigay ng laruan ngayon sa mga batang lansangan.

Hiniling ko ang isang masayang pamilya pero hindi Mo binigay dahil sinubok Mo ito at binawi, hindi para pabayaan at magpalaboy ako kundi para matutong maging matapang at matatag sa problema.

"Salamat Sa'yo!" ang nasambit ko habang nanariwa sa ala-ala ko ang lahat.

"At ngayong nasa ika-60 kaarawan na ako, hangad ko na nawa'y marami pang kabataan ang magtiwala at manampalataya sa isang napakagandang plano Mo sa isorya ng kanilang pagbangon" sabay ihip ko sa kandila sa aking cake.

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon