"Girlfriend mo?"
"Syota mo, pre?"
"Jowa mo?"
"SS, bro!"Sandali.
Sa tuwing naririnig ko 'yan, lagi ko tuloy naiisip kung paano kita tatanungin, Abbie. Gustong gusto kitang tanungin - "Tayo ba?"
When I saw you at your lowest point, I bravely entered in your life. From the start, I know I have no place in your heart. I was there, pursuing you. But rejection repeats itself everytime I asked you "Pwedeng manligaw?". I was there, watching you from far away - happy with other's company.
When I saw you crying in the school canteen. I offered my handkerchief. "Tahan na!" wika ko habang ikaw, mugto lang ang matang nakatulala sa akin. I was surprised when you hugged me while you are saying "Jackson, sana ikaw na lang" From that, you told me that you broke up with Thirdy. You caught him cheating. Sabi ko naman sa'yo noon, payagan mo lang akong manligaw, hindi mo mararanasang umiyak.
Simula nang araw na iyon, para tayong kambal-tuko. Para mo akong anino dahil sunod ako ng sunod sa'yo. We made a deal, na sa bawat babanggitin mo ang pangalan ng ex mo ay ililibre mo ako. We became friends. I became your bestfriend. Lahat ng katangahan na ginawa mo sa pag-ibig, naisalaysay mo sa mga tenga kong nasasabik na makinig sa drama mo.
Habang naglalakad tayo sa hallway ng campus, nakasalubong natin si Thirdy. Nanahimik ka. Sabi ko sa sarili ko, "Patay, basag na naman siya" but after a while, I was shocked seeing you smiling ... at me? And then you came closer, an inch apart, you embraced me as you lay your head on my chest where my heart is racing. Bigla kang nagsalita, in a very serious tone, "Okay lang ako na makita siyang may kasama siyang iba ... basta kasama kita"
Then BOOM. Nagbago ang ihip ng hangin para sa atin.
Bigla ka na lang naging sweet. Bigla kang naging maalalahanin. Bawat kilos ko, dapat alam mo. Kasi kapag hindi ko naipaalam sa iyo, nagagalit ka. Kinikilig ka na rin. Nagtatampo ka pa. Gustong gusto mo 'yung sinusuyo kita. Oh my gosh! Nakalimutan kong lalaki ako kasi punyeta! ABBIE, GUSTONG GUSTO KO ANG MEROON SA ATIN!
Napansin ng mga tropa ko ang closeness natin. Tinanong nila ako - "Bro, girlfriend mo na ba si Abbie?"
Napaisip ako. Ano nga ba tayo?
One night, nagkalakas ako ng loob na tanungin ang pinakamalaking tanong sa buhay ko.
"Abbie, what's our status?"
It took you so long to answer my question. Sobrang hirap ba? Hahahah hirap na hirap na rin kasi ako kaya tinanong ko na. Hindi ko alam sa akin dadalahin ng nararamdaman ko. I know we're friends. I know we're not girlfriend boyfriend. But I know there's something between us na wala lang label.
"Mahalaga pa ba 'yon? Basta mahal kita, mahal mo ako, solid na 'yon!"
Tama nga naman.
Tama yata?
Kasi isang umaga, nagulat na lang ako nang makita ko ang isang post ng friend mo. There's so much photos and videos na makikita kayong dalawa ni Thirdy.
Anong meroon?
I scanned those heartbreaking moment of yours. Hindi mo naman sa akin sinabi na sinurprise ka ni Thirdy. Umiiyak ka pa habang lumalapit na may dala-dalang flower si Thirdy sa'yo. Kinikilig 'yung mga kaibigan mo sa video. 'Yung mga ngiti mo, 'yung mga mata mo, lahat 'yun ngayon ko lang nakita. I thought you were happy with me. But I can't imagine that you can be happier with other's arms. Then the last photo, may caption pa 'yung friend mo na "Comeback is real 💓". Then there's you, you commented and said "Thanks, mamsh! Kasabwat ka pala ni Thirdy sa surprise na ito. Yieeehhh. My heart was so happyyyyyyyyyy"
Kikiligin sana ako kaso naalala ko ...
"So, anong nangyari sa atin?"
Anyways, I know these weren't valid. Walang tayo. Wala akong karapatan na sabihin sa'yong "Abbie, bakit mo nagawa sa akin 'to?" Ganoon lang kasimple pero 'yung epekto sa'kin, kompkikado. Don't worry. I'm happy for the both of you. Lalo na nang mabalitaan ko sa alumni homecoming na ikakasal na kayo. I will move on. Well, I have no other choice HAHAHAHAHA I'm going to fix myself, regalo ko na 'yun para sa sarili ko. Even tho I wasn't able to win you back, at least, pulutin ko man 'yung broken part ko, solid na ko 'don.
In the first place, ako naman 'tong tanga na pumasok sa buhay mo na sinubukang buoin ka kahit na ang kulang kulang na piraso ay hawak pa rin pala ng iba.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.