Nakit ko si Inday na naglalaro ng jak 'n stone habang nakaupo ng parang Indian sa maalikabok na sahig. Take note! Grade 12 na iyan pero ganyan pa rin ang pag-uugali.
"Inday"
Tinawag ko siya dahilan para mapatingin sa akin.
"Teka lang ha? Ako na babatu. Tawag lang ako ni Cedi" paalam niya sa kanyang mga kalaro.
"Bakit?"
"Lumapit ka at may ibubulong ako"
"Ano ba iyon?"
Dahan-daan niyang inilapit ang tenga niya sa mukha ko.
"I love you" bulong ko.
"HAHAHAHAAHAHAHAHAH" sabay kurot niya sa akin. "Ang waley Cedi" natatawa niyang sambit sa akin."Inday!" Tawag ko sa kanya ng makita kong mag-isa siyang naglalakad palabas ng school.
"Pasabay ako sayo!" dugtong ko.
Ang daldal niya. Hindi nauubusan ng kwento. Ako naman nakikinig lang sa mga istorya niya.
Bago kami maghiwalay ng daan, hinila ko ang bag niya para huminto muna sa paglalakad.
"Bakit?"
"Wala lang, I love you Inday!"
"AHAHAHAHAHAHAHAH" Sa lakas ng tulak niya sa akin habang tumatawa, napaupo ako sa kalsada.
"Nakuuuu, sorry Cedi Heheheh ang waley naman kasi" sabay tumalikod na siya sa akin at nagpatuloy sa paglakad.Klase namin. Nakagalitan si Inday. Sa sobrang daldal niya kasi nagalit na si Ma'am. Ayan tuloy, napa-squat siya sa likod.
Pumilas ako ng pahina ng notebook ko, gusto ko kasing lokohin si Inday kaya kunwari magtatapon ako kasi nasa likuran din kasi yung basurahan.
Kitang kita ko yung pangangalay niya. Binelatan ko lang siya kaya naman nainis siya.Pagkatapos kong magtapon ng scripted, binulungan ko siya. "Very good, nice squat! I love you"
"HAHAHAHAHAHAHAHAH"
Pagkatapos kong sabihin iyon, bigla siyang tumawa ng malakas kaya lahat napatingin sa amin pati na rin si Ma'am.
"Ma'am? Si Cedi po kasi nangingiliti" Sinungaling niyang sumbong sa klase.
Kaya sa huli, pati ako napa-squat kasama niya."Hoy! Inday!" tawag ko ng makita siyang palabas ng room.
Hindi ako pinansin? Aba! Himala.
Hinabol ko siya at tinawag ulit pero hindi siya lumingon no nagreact ng kung ano.
"Huy!""Wala ako sa mood sa mga waley mong sinasabi"
"Waley ka jan!"
"Mayroon akong dalaw ngayon kaya lumayo ka saakin at naiirita ako"
Wika niya habang mas nauuna siyang maglakad sa akin.
"Huminto ka nga!"
Pero nagpatuloy lang tin siya.
Sa inis ko sa ginagawa niya, hinablot ko yung braso niya dahilan para mapaharap siya sa akin.Sinandal ko siya sa isang pader at kinulong sa loob ng mga braso ko.
Nanlaki yung mga mata niya dahil sa bilis ng pangyayari at napatingin lang sa akin.
"Ano bang ginagawa mo? Wala akong pana-"
"HINDI" tutol ko. "Hindi ka aalis hangga't di mo ako kinakausap"
"Please Cedi! Ayoko ng marinig ang mga wale-"
Bago niya matapos ang sinasabi niya ay bigla kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Sa sobrang lapit, nararamdaman ko ang hanging lumalabas sa ilong niya. Napapikit siya bigla kaya napatawa ako. Maya-maya, naramdaman kong nagpigil siya ng paghinga kaya nilayo ko na ang mukha ko sa kanya at mumulat na siya.
"Akala ko ba ayaw mong marinig mga sinasabi kong waley. Pero ngayon mukhang havey yung ginawa ko" panloloko ko sa kanya. "Nagbublush ka kasi, Inday. I love you" sabay tawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
KurzgeschichtenKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.