"Anak? Ano na ngang password nung epbi ko?"
"Yung birthday niyo 'Nay"
"April 29" pindot ni Aling Cedes.
"Anak? Bakit nagpupula? Mali yata"
"Wala kasing space Mama!"
"Pa'no ito anak? Sabi ni Kumareng Marse, pinasa niya sakin yung picture namin nung kabataan namin"
"Makikita niyo jan yung may kidlat! Pindutin niyo tapos hanapin niyo pangalan niya"
"Hindi ko nga mahanap anak e"
"Tinuro ko na sa inyo iyan nung matagal na ah. Si Mama naman, tandaan niyo kasi"
Bumagsak sa labi ng Ina ang ngiti na sana ay namumutawi dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap niya na magka-Facebook.
Kaso hindi niya matutunan.
Gawa ng katandaan, nalimot niya ang unang turo ng kanyang anak.
Ibinaba nalang niya ang selpong hawak. Naglakad. Sa sofa, doon ay nakita niya ang abalang anak habang kausap ang nobyo niya.
"Anak? Napakaraming beses kitang pinagtasa ng lapis para matutunan mo ang pagsulat ng pangalan mo. Nakakalimutan ko pa nga ang maligo minsan kakaalalay sa'yo sa paglalakad. Bibili sana ako ng blusang pula kaso pinili ko ang iyong bisikleta dahil gusto kong matutunan mo ang saya ng pagkabata. Tagasinop mo ako ng mga naputal mong krayola para lang makapagguhit ka ng bilog. Nakakatuwa anak! Ginawa ko lahat para matuto ka. Kaso nakalimutan mo yata na panahon naman para turuan mo si Nanay" bulong ng Ina sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
ContoKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.