Unworthy Heartaches

758 20 6
                                        

Kumpleto ang pamilya ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumpleto ang pamilya ko.

Matataas ang grades ko.

Strong naman ang bond ko with my fiends.

Lahat naman ng luho ay nasa akin na.

And my faith with Him is unbreakable.

Everything seems to be perfect but I don't know why there's something in my heart na hindi napupunan ng anumang bagay.

Maybe it is love?

Hindi ko pa kasi naranasan yung strange feeling na naranasan ng ibang lalaki na katulad ko. 'Yung tumitigil ang mundo for a while, bibilis yung heart beat, yung kilig, yung matutunaw yung puso mo. Gwapo raw ako - maraming nagsasabi niyan. Pero aanhin ko yung gwapo kong mukha kung daig naman ako ng mga mabibilis na da moves ng mga kasabayan ko.

I talk to Him every night. Praying that one day I will wake up with someone besides me who can make me feel in love in every single moment. Ipinagkatiwala ko nalang sa kanya yung taong ilalaan niya sa akin. Cause I already told Him that 'G, I'm ready to meet my girl' And I promise to Him that I will never cause such pain with His blessing. I will treat her as a queen and love her as how God loves His children.
Then one day, nagising ako ng may biglang may nagmessage sa akin sa IG ko. Sabrina ang pangalan niya.

"Pare-pareho kayong manloloko! Sana hindi nalang kita nakilala!"

Nagulat ako. And I replied her "Sorry Miss pero mukhang nagkakamali kayo ng sinabihan"

Tapos sakto naman na nagreply siya agad.
"Diba ikaw si John Dimaculangan?"

"Sorry, same lang kami ng pangalan. John Foster ang pangalan ko. Baka nalito ka lang kasi John din ang name ko"

Wala kasi akong nilagay na surname kaya siguro naguluhan si Binibini. Nagsorry siya sa akin. Naintindihan ko naman kaya hinayaan ko lang.

Nasa isang coffee shop ako. Medyo nag-chill kasi nakakastress na sa school. Mag-isa ko lang hindi kagaya ng mga nandito na kanya-kanya ang mga chikababes sa tabi nila. Pagtayo ko sa upuan ko para sana umalis na, bigla naman akong nabunggo ng lalaki na balasubas. Mabilis lang siyang naglakad na para bang walang nabunggo. Maya-maya, may biglang sumigaw sa isang sulok. Isang babae na base sa boses niyang shaky ay masasabi mong umiiyak.

"HOY! JOHN DIMACULANGAN HINDI KA KAWALAN SA BUHAY KONG GAGO KA!" And she pointed the guy na nakabangga sa akin.

Hindi ko alam pero pagkatapos niyang sumigaw, may kung anong pwersa sa akin ang nagtulak para puntahan siya. And I find her. She's drowning in her own tears. Inabot ko sa kanya yung panyo ko pero hindi lang niya kinuha. Then after that, bigla akong nagulat when she hugged me. Umiiyak siya at bawat luhang pumapatak sa mata niya ay nararamdaman ko sa aking balikat.

"Sorry kanina. Sa sakit ng nararamdaman ko feeling ko kasi kulang ang panyo. Isang taong makakausap ko talaga ang kailangan" wika niya habang pinupunasan ang mga luha niya.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon