"Happy 1st Anniversary satin, babe" panghaharot ni Adonis
"Happy 1st Anniversary din, babe. Stay strong satin"
Nakaplano sa araw na ito ang date namin ni Adonis. Niyaya ako at syempre hindi ko napigilan, kilig na kilig ako kaya umoo na ako.
"Babe? Tawag ka na ng Grab" utos niya habang tinutusok tusok pa niya ang tagiliran ko.
"Enebe, Adonis! Yieeehhh. 'Wag ka nga kasi. Neheheye eke"
Ang sosyal talaga ng boyfriend ko. May nalalaman pang Grab. Ang sabi niya wala siyang pera. At wag niyang sabihing isa iyung way para masurprise niya ako. Ang harot harot talaga ng lalaking 'to, yieeeeh.
"Babe! Heto na yung Grab" diin ko.
"Osige, tara na!" yaya niya.
Nasa tapat na kami ng sasakyan.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse kaso pinigilan niya ako.
"Wait! Babe, hindi tayo sasakay d'yan"
"Ha? Ah-eh bakit pinatawag mo kung hindi pala tayo sasakay?"
"Tatanong ko lang sana kung alam nung Grab driver yung Tagpuan Resto"
At hinarap na nga niya ang nagago niyang driver.
"Manong? Salamat at maaga ang dating mo. Itatanong ko lang sana kung saan dito yung Tagpuan Resto"
Ang ending, sa tricycle kami ni Babe sumakay. Ang gentleman nga.
Talagang pinauna niya pa akong pinaupo kasi 'ladies first' daw. Kaya naman sa biyahe, nakahilig ang ulo ko aa balikat niya.
"Dito na po tayo Ma'am" ang sabi ni Manong.
"Wait babe, ako muna ang bababa" pagkukusa ni Adonis.
Iniabot niya ang kamay niya sa akin para alalayan ako sa pagbaba."Ang sweet mo naman babe" pataray kong sabi.
Hahawakan ko na sana ang kamay niya ngunit sa kasamaang palad, hinawi niya ito.
"Hindi yung kamay mo ang kinukuha ko babe. Akin na yung pitaka mo at babayaran na natin yung pamasahe. Pagkatapos bumaba ka na at kaya mo na iyan" Actually, ganoon talaga siya kasweet.
Ang romantic pala ng napili niyang lugar. May mga musikerong tumutugtog ng violin at baho de arko.
"Nagustuhan mo ba ang lugar, babe?"
Nakita ko ang mga mata niya, punong puno ng pag-ibig sa akin.
"Maraming salamat, babe"
"Tara na?"
Nandito na kami.
Nasa gitna ang mesa namin.
Sa ibabaw nito ay may mga rosas, kupita at kandila na lalong nagpaespesyal sa date namin ni babe.
Iniusod niya ang isang upuan. Ngumiti siya sa akin.
"Have a seat, babe?"
Nilapitan ko siya kaso umupo siya aa upuan na akala ko ay iniusod niya para sa akin.
"Gutom ka na ba?" Tanong niya.
"Oo babe, sobra" napahimas ako sa tiyan ko. "Ikaw ba babe, gutom ka na?"
"Hindi babe" tapos hinawakan niya ang kamay ko "Kasi busog na ako sa pagmamahal mo"
"Yieeehhhh. Hoy! Ang harot harot mo Adonis ha. Magbehave ka nga. Tigil tigilan mo ako sa mga pakilig mong iyan"
"Excuse me po, hihingiin ko po yung order niyo" pagsingit ng waiter.
"Isa nga nito tapos water lang. Ikaw babe, anong order mo?"
"Isa lang nito tapos tubig din. Tsakaaaaa, tatlo nito. Mukhang masarap. Tsaka ekstrang gravy"
Napanganga ako. Ang galeng. Busog na busog nga siya sa pagmamahal ko kaya pala dinaig pa niya ang patay gutom sa dami ng order niya.
"Naenjoy mo ba yung food mo , babe?" Tanong niya. Tumango lang ako at nagbeautiful eyes.
Hindi ko na tatanungin si babe kung nag-enjoy. Halata naman sa pinagkainan niya na sa sobrang simot, mapagkakamalan mong nahugasan na.
"Thank you sa treat, babe" panghaharot ko.
"Anong thank you babe? Ikaw magbabayad nito"
"HANOOOOOOOO???!!"
Sa sobrang lakas ng hiyaw ko, namatay na ang sindi ng kandila.
"Bakit ako? Akala ko ba ikaw gagastos? Hello babe! Ikaw kaya ang nagyaya sa akin" diin ko.
"Niyaya kita kasi Anniversary natin. Ikaw ang mas maraming galit, mas madalas nagseselos at nagdududa kaya dapat lang na sagot mo ito"
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! PAANONG HINDI AKO MAGKAKAGANYAN? E NAPAKABABAERO MO?!"
"PAANONG HINDI AKO MAGIGING BABAERO, EH NAPAKA PAAAAAAAANGIT MO!!!"
Napatigil ako.
Namemersonal na siya. Kumukulo na yung dugo dahil hindi na kami nagkakaintindihan tapos tugtuog pa ng tugtog yung mga letcheng musikero sa paligid ko.
Sa sobrang bwisit ko, kinuha ko yung violin at saka pinaghahampas ito sa harap nila.
"PUTCHA NAMAN! HINDI NA NGA KAMI MAGKAINTIDIHAN PATUGTOG TUGTOG PA KAYONG MGA MINIONS KAYO!"
"Ma'am? Sir? Ku-kukunin ko na h-ho yung bayad niyo bago kayo magkapisikalan" nanginginig na pag-epal nung waiter.
Tumayo si Adonis.
"BREAK NA TAYO!"
Aba. Aba.
"AKALA MO IKAW LANG? TALAGANG BREAK NA TAYO!"
Nagwalk-out siya.
"Kapag talaga nagmahal ka ng gago, ang gago rin ng ending ng kwento niyo. Pambihira! Bakit ba kasi ako nagpagago?"
At nagwalk-out na rin ako.
"Shit! Paano kaya mababayaran yung bill?" tanong ng kaawa-awang waiter.
Click the ⭐ button
![](https://img.wattpad.com/cover/156693106-288-k2260.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.