Tularan si Jema

10 2 0
                                    

May crush ako. Sobrang crush na crush ko. Ang pangalan niya ay Greg, kaso suplado. Matagal nang tambay yung profile ko sa friend request niya. Tapos Christmas season na, SOBRANG DESPERADA NA TALAGA AKONG MAGPASKO NG MAY JOWA!
Kaya heto ang ginawa ko para magpasko na hawak kamay ko na ang crush ko.

~~~

December 18, 2016 - Math Class namin noon. May paquiz si teacher. And she instructed us na kailangang may calculator.

"Uy, peram ngang calculator"
"Nako, wala na Jema, sorry!"

"Hoy, bes! Peram nga please"
"Isa lang 'to eh. Si Greg, may extra pa"

Nang marinig ko ang pangalan na iyon, nagpuso-puso yung mata ko. Humugot ako ng lakas ng loob. Humakbang ako ng dahan-dahan, at habang papalapit ako sa kanya, naisip ko na ito na ang panahon para mapansin niya ako.

"Ehem" pagpapapansin ko.

Napalingon naman siya sa akin habang nilalaro ang ballpen niya.

Tinuro ko yung calculator niya.
"Ito?" tanong niya.
Tumango ako at lumapit sa kanya.

[Patay ka sakin, Greg]

Dinukot ko sa bulsa ko yung selpon ko at sinabing "Pa-Add?" sabay turo sa profile ko sa Facebook.

~~~

December 19, 2016

Parang di pa umpek yung unang move ko. Kaya kinabukasan, naghanda na ako. Iniisip ko yung motivation ko - MAGPAPASKO AKO NG MAY JOWA.

[Para raw makuha mo loob ng crush mo, kailangan raw sasabayan mo siya sa trip niya kahit medyo weird]

"Uy, ano bang hilig niyang tropa mo?" tanong ko sa barkada ni Greg.
"Ah, boxing. Mahilig yan magboxing. Tuwing alas tres ng hapon, nasa boxing ring yan sa bayan"

[Buti nalang may nagtip na sa akin.]

Kinahapunan ...
"Huy! Anong ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Greg ng makita ako sa loob ng ring.
"Ikaw pala makakalaban ko, tara! Boxing teye, Greg. Bege eke meheleg seye, depet mepetembe me mene eke" paghahamon ko.
"Game!" sabay suot niya ng gloves.

Pagkauwi ko ng bahay ...
"Oh anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Mama.
"Wala 'to, Mama. Natamaan ng apparatus sa lab, nag-experiment kami" palusot ko habang gumegewang sa paglalakad
"Nag-expeeiment? Eh nakasuot ka ng boxing gloves"
"Ah ... Eh kasama 'to sa experiment, Mama. Una-unahang magka-black eye"

~~~

December 20, 2016

Medyo masakit pa mukha ko. Pero malinaw pa yung goal ko - MAGPAPASKO AKONG MAY JOWA

[Sabi nila kapag friends na kayo sa facebook ni crush, tapos nag My Day siya, magrereply ka lagi para mapansin ka.]

Habang nakahiga, nakita ko yung My Day ni Greg. Naka My Day yung picture ng Red Horse.

[Paano ba 'yan? Mukhang magandang timing 'to. Mapapaamin ko siya kung may crush din siya sa akin dahil lasing na siya.]

Nagreply ako.
"Uy, shot tayo!"

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niyang napakabagal.

"Gagu ka ba? Eh mas mukhang kabayo ka pa sa iniinum ko eh"

[Napatahimik ako. Pero nagreply siya ulit]

"Tsaka alam mo mas malakas pa ang tama mo kesa sa Red Horse HAHAHAHAH"

[Yeah. Sineen ko na lang. Yinurakan niya pagkababae ko]

~~~

December 21 hanggang December 24, wala na akong pag-asa na magiging jowa ko siya. Naubos na rin lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha ko. Mukhang magpapasko talaga akong single. Kailangang tanggapin ko 'yun. Ginawa ko naman lahat. Kaya hindi ko na masisisi sarili ko kasi ako na nagfirst move. Kahit babae ako, binaba ko pride ko para sa kanya. Pero kung hindi ka gusto, hindi ka talaga magugustuhan kahit maglakad ka sa harapan niyang nakaswimsuit.

Habang nakain ako ng noche buena, nagkabatian na sa GC namin. Si Greg ang latest na bumati sa klase.

"Gwapo ka nga, suplado ka naman" bulong ko sa sarili at bumalik sa pagkain. Sineen ko lang siya.

[Toot!]
Biglang tumunog yung messenger ko.

"MerryChristmas 💓" bati ni Greg sa akin.

[Take note! PM 'yon.]

Ang tagal kong natulala sa conversation na puro chat kong di niya siniseen and finally, siya pa unang nagchat. Nagkahope ako dahil sa papuso emoji niya.

Tinataype ko pa lang ang irereply pero may kasunod na agad soyang sinabi na halos ikalaglag ng phone ko nang mabasa ko.

"Pasko na, Jema, handa ko nang iregalo ang sarili ko bilang bebe mo. Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Kunin mo na 'yung regalo ko sa'yo"

Pagsilip ko sa bintana, nandoon nga siya.

At iyan ang alamat ng desperadang magkajowa sa araw ng pasko. Kapal ng mukha ang puhunan, lakas ng loob ang labanan.

Tularan niyo si Jema.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon