Sakaling Muling Umulan

19 1 0
                                    

"Danny! Danny!" tawag ko kay Danny nang makita ko kung paano niya ginawang kalasag ang kaawa-awa niyang bag sa ulan.

Pinasukob ko si Danny sa payong ko, isang araw na bumuhos ang malakas na ulan.

"We've been friend for how many years, Charm. Pero nitong mga nakaraang buwan, I see you not just my friend"

"Anong ibig mong sabihin, Danny?"

Umuulan nang araw na iyon. Nasa ilalim kami ng iisang payong ko. Umalis siya sa silong nito at nagpakabasa sa ulan.

"Will you say yes if I ask you kung pwede kitang ligawan, Charm?!" he shouted

"Danny, ano ba? Baka sakitin ka"

"PWEDE BA KITANG LIGAWAN, CHAAAAARM?" akala mo siyang bata na sigaw ng sigaw sa ulanan.

Hinila ko siya't pinayungan. "Hindi mo naman kasi kailangang magpakabasa sa ulan dahil oo naman ang isasagot ko sa tanong mo, Danny"

Nang araw na iyon niligawan niya ako.

"Saan mo ba ako dadalahin, Danny?"

"Basta...  Huwag mong tatanggalin ang blindfold hanggang hindi ko sinasabi"

It took a copule of minutes bago ko marinig ang hudyat.

"Maaari mo ng tanggalin, Charm"

Lumingon ako sa paligid. Nakita ko napakaraming bulaklak sa paligid.

"Danny, ano na naman ba 'to?"

"Handa na akong maging boyfriend mo, Charm ..." lumuhod siya sa harap ko at nilabas ang isang maliit na kahon.

"... Handa ka na bang maging girlfriend ko?"

"Yes, Danny" sagot ko naman.

Hindi ko alam pero ng sandaling sinagot ko siya ay biglang lumuha ang langit. Sobrang espesyal ng ulan sa amin. Sa istorya naming dalawa.

"Sabi mo nasa basketball practice ka. Pero bakit nakita ka ni Annie na kasama mo yung ex mo sa mall?"

"Charm, ano ka ba? Napaparanoid ka na naman"

"Hindi ako napaparanoid. Marami na. Maraming beses na akong nagbibingi-bingihin sa mga sinusumbong sa akin ng mga barkada ko. Wala akong pinakinggan kasi ang alam ko, ako lang! Ako lang ang mahal mo hindi ba? Yun yung sinabi mo?"

"Oo naman, mahal kita, Charm"

"Pero ano ang picture na ito?" sabay pinakita ko ang larawan sa selpon ko na pinadala ng tropa niya. "Hirap na hirap si Calvin na sabihin sa akin na ginagago mo lang ako NOON PA MAN!"

Sinampal ko siya. Lahat ng sakit na pinaranas niya, sinigaw ko sa harap nya kahit alam kong kulang pa iyon. Umulan. Nakiramay ang panahon sa sakit na to na hindi ako makaahon.

Ilang buwan matapos ang pananahimik ko ay may nagtext na hindi ko kilalang numero.

"Hi, Charm"

"Sino ito?"

"Unblocked mo na ako sa Facebook at Messenger"

"Sino ka ba?"

"Hindi ko alam pero ngayon ko lang marerealize lahat ng pagkakamali ko"

"Tigilan mo ako kung sino ka man"

"I want u back, Charm. This is Danny"

The other day, nalaman kong nakabuntis pala si Danny. Iniwan niya ang babae niyang sinosolo ang responsibilidad na hindi niya natindigan.

Naglalakad ako noon sa isang parke. Biglang may sumigaw ng pangalan ko mula sa aking likuran. Paglingon ko, si Danny pala.

He was smiling at me. He was smling as if welcome pa siya sa buhay ko.

Umulan.

Nagtakbuhan lahat ng tao at naghahanap ng masisilungan.

Binuksan ko ang payong ko.

Nanatili si Danny sa kanyang kinatatayuan.

Lumakas pa ang ulan at tumalikod na ako sa lalaking minsang nang-iwan sa ere.

"Charm, pasukob!" he shouted.

Binalewala ko.

Sakaling muling umulan, sarili ko naman ang papayungan ko.

Sakaling muling umulan, sisiguraduhing hindi na ito ang mga luha ko.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon