Seven Deadly Seens

80 7 0
                                        

July 18, 2018.
     Shamcey! Thank you pala kanina. Ang tagal kong pinangarap na mapansin mo ako. Kahit nginitian mo lang ako sa gate ng room, ayus na yun sa akin. Si Hernan Riquets pero call me 'Hernan' na lang. Ako yung secret admirer mo na nag-iiwan ng bulakak sa upuan mo. THANK YOU TALAGA!  See you tomorrow!
Seen 6:21 pm

July 19, 2018.
     Seen mo lang yung message ko Shamcey! Pero okay lang. Sorry ha? Ikaw yung babae pero  ikaw pa yung naghatid sa akin pauwi. Siguro mas masaya ako kung nagsasalita ka. Ang dami ko ng naikwento sa iyo pero ikaw pangiti-ngiti ka lang. Magreply ka naman sa akin habang hindi pa ako lowbat.
Seen 7:33 pm

July 20, 2018.
     Seen na naman? Huy Shamcey? Bakit ka umiiyak kanina? Tumakbo ako papunta sa iyo kaso bigla ka nalang nawala. Pagtiwalaan mo ako. Isa akong kaibigan na pwede mong pagsheyran ng mga pinoproblema mo. Pleaseee  wag mo naman akong iseen ngayon.
Seen 5:00 pm

July 21, 2018.
     Hanggang seen nalang ba? Bakit mo ako tinatawag kanina? Nakita ko kasi yung gesture ng kamay mo kanina. Sorry di kita napuntahan at busy ako. Kausap ko yung mga kagrupo ko sa thesis kanina, sorry ha? Bawi ako bukas. Medyo pagod na ako. Goodnight!
Seen 9:09 pm

July 22, 2018.
     Shamcey? Kakauwi ko lang ngayon. Ginabi kami kasi last group kaming nagdefense. Chinat lang kita kasi parang ikaw yung nakita ko sa labas ng room kung saan ako nagdedefense. Pero nung pagkalabas ko naman, wala lang. Siya nga pala success ang thesis namin. Medyo nakakapagod nga lang. Sige, tulog na ako.
Seen 11:30 pm

July 23, 2018.
     Sh*t kung alam mo lang yung pinipigil ko yung kilig ko kanina. Korni man Shamcey pero nung unang beses ko lang narinig yung boses mo ngayon at hanggang sa pag-uwi ko ngayon, na-echo pa rin sa tenga ko. Bakit nga pala tayo magkikita? Hehehe excited ako nung inaya mo akong makipagkita bukas sayo. Sige, kung anuman yon siguradong special iyan. See you tomorrow!
Seen 8:36 pm

July 24, 2018
     Shamcey? Nasan ka? Nandito na ako sa Purok Himlayan. Hihintayin kita!
Seen 4:39 pm

     Halos maitapon ko ang selpon na hawak ko ng mabasa ang pitong mensahe na mula sa lalaking ang pangalan ay Hernan. July 17 iyon nung nakuha ko ang selpon na ito sa isang dalagang naging biktima ko ng pagnanakaw. Kaso naglaban siya kaya napilitan akong saktan siya. Pero dahil sa gandang taglay niya, hindi ko naligilan ang sarili na gahasain siya. Bumalik nalang ako sa katinuan ng mapansin kong wala na siyang pulso. Sa takot kong mahuli, ibinaon ko nalang ang bangkay niya sa masukal na lugar sa Purok Himlayan. Kaya labis na pagkatakot ang naramdaman ko dahil isang linggo na ang lumipas ng mamatay ito. At sinong babae ang nakasama ng lalaking ito?

     "Patay matapos matagpuan ang isang binatilyong walang buhay, sa masukal na parte ng Purok Himlayan. Hindi matukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay"
Napalingon ako sa telebisyon ng biglang marinig ang isang breaking news. Ang lalaking iyon ...

     Biglang lumabas ang isang mensahe sa screen ng selpon. Nagtayuan ang balahibo ko ng mabasa ito.

     "Seen-usundo ka na namin" mensaheng nanggaling kay Hernan.

     Paglingon ko sa aking likuran, nakita ko ang dalawa kong sundo - si Shamcey at Hernan.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon