In A Relationself

10 3 0
                                        

Ang daming wrinkles na ang umusbong dahil sa reklamo mo sa pag-ibig. Kesyo nasaktan ka, iniwan ka, niloko ka at pinaasa ka. Bakit mo kasi hahayaang malunod yung sarili mo sa kalungkutan, kung pwede ka namang lumangoy sa malawak na karagatan ng kasiyahan.

Buti ako masaya.

Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Hindi ko nakakalimutang mawalan ng oras sa sarili dahil bumibili ako ng couple watch. Yung isa ikakabit ko sa kanang wrist, tapos yung isa sa kanan naman. Para saan ko man ibaling ang paningin ko, palagi kong naaalala na bigyan ng oras ang sarili ko. Hindi kagaya ng iba, sa sobrang pagbibigay ng oras sa iba, yung oras nila na dapat sa sarili nila naubos na.

Tapos minsan nabili ako sa Divisoria ng couple shirt. Tapos nagtataka yung tindera bakit dalawa ang binibili ko kahit na mag-isa ako.
"Ate, wala kang pake. Bibilin ko itong couple shirt tapos isusuot ko ng sabay para hindi COLD. Inuulit ko, PARA. HINDI. COLD. Para laging mainit!"
Ang aarte kasi ng mga tao, iibig-ibig tapos kapag nakaramdam ng panlalamig, bigla nalang namamatay. Dinaig pa yung pagkamatay ni Jack nung nanigas siya sa yelo. At least iyon, marunong magpaalam. At least iyon, hindi niya hinayaang saktan yung babae.

Seen? Matagal na reply? Com'on. Ang sad ng buhay niyo. Ako kasi kung gaano ko kabilis isend ang chat ko, ganoon din kabilis ang reply sakin. Kaso ang pinagkaiba lang natin, kung ano yung sinend ko,iyon din yung nirereply niya. Hays, at least ako hindi naiistress sa kakahintay ng reply.

Kapag nagagalit kayo, nagagalit din yung jowa niyo? Kung ako sa inyo, iniiwan ko nalang sila. Gayahin niyo ako. Ichachat ko lang yung sarili ko habang nagagalit tapos lalambingin ko lang rin yung sarili ko. Ang saya kaya, try mo! Sa oras na magawa mo iyon, tsaka mo maiisip na kapilit-pilit ka, kalambing-lambing ka at kahintay-hintay ka na kailan man hindi pinaramdam sa'yo ng HINIHINTAY MO! Waiting shed ka ba?

Yung ibang tao, mas nag-aaksaya ng pera sa pag-eeffort sa mga anniversary kesa sa mga project na kailangan mong ambagan. Hays, kaawa ka. Buti pa ako, kapag nagdidiwang ng anniversary, ang ginagawa ko lang ay tumitingin sa salamin. "Happy Anniversary, Self!" ang bati ko. Syempre kung yung anniversary niyo nga na puno ng lokohan, iyakan, cool-off, selos at pagdududa ay ginugunita niyo, ganoon din ako. I always recognize every years that rolled by na ako lang, AKO LANG MAG-ISA AT HINDI NAKADEPENDE SA IBA.

HAHAHAHAHAH

Ang saya kaya!

Hindi ito kalokohan. Dahil kelanman, hindi naging kalokohan ang pag-appreciate sa iyong kahalagahan.

Masayang maging "In a Relationself"
Hindi naman kasi totoo na magiging masaya ang buhay KUNG may partner ka sa buhay.

Noong isinilang ka sa mundo, umiyak ka bilang sanggol - hindi dahil sa malungkot ka kundi dahil masaya ka. Masaya naman kasi ang buhay noon pa man bago mo makilala si Kupido dahil nandiyan ang Manlilikha, pamilya at iyong mga kaibigan.

Hindi malungkot ang pagiging single. Kung tutuusin ay masaya nga ito dahil sa puntong ito, mas makikilala mo ang tunay na ikaw.

Being single is a stage where people were trained how to be happy and contented without depending themselves with others' trashy and fake love.

MAS sasaya lang ang buhay 'pag nahanap mo na ang taong para sa'yo pero MASAYA ang buhay kahit mag-isa ka kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Cheers for your relationself 🍻

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon