"Marahil ang luha na iyan ay dahil na naman sa estrangherong iyon, tama ba ako Juana?"
Sa sobrang sigla ni Haring Araw, nagmistulang lantang Rosas si Juana. Bagsak ang marikit niyang mukha at sariling mga luha ang dumidilig sa sarili niya.
"Ilang beses ko na sa iyong sinabi Juana na 'wag kang maniniwala sa mga pangako at sumpaan niyo. Niloloko ka lang at pinaiikot ka lang ng lalaking iyon sa mga palad niya" ang turan ko sa kaniya habang hindi pa rin natitinag sa pagluha.
"Pero Lorna, sa ilalim ng bilog na buwan at saksi ang Bathala, sinambit niya sa akin na kailanman ay ibabangon niya ako sa madilim kong nakaraan, poprotektahan at iingatan."
Mga salita niyang sumasalamin na siya ay nasa tanikala pa rin ng matalim na pag-ibig ng lalaking iyon.
"Napako na ang kanyang pangako, magpapako ka pa ba sa susunod na pagkakataon? Sabihan nating nagsumpaan kayo saksi ang Bathala ngunit nakasisiguro ka ba na pareho ang pinaniniwalaan niyong Bathala? Hindi nararapat sa katulad mong pinagpala ang pag-ibig niya. Teka! matanong ko lang, ano ba ang pangalan yaring iyong sinisinta?"
"Digong" ang sambit ni Juana
Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
ContoKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.
