"M"
"F"
"Ilang taon ka na?"
"18. Ikaw?"
"20. Looking for fubu?"Aba! Bastos 'to ah. Sabay disconnect ko sa nakachat ko Omegle. Nagkansela kasi ng klase si Ginang Amorcelo. 'Yan tuloy, bakante kami ng dalawang oras ngayon. Kasalukuyan kaming nakatambay ni CJ sa student center.
"Omegle pa!" panunukso ni CJ.
"Eh pake mo ba? Hindi ka na lang gumaya sa akin. Inggit ka lang"
"Susss. Ako? Maiinggit? Pfft marami lang akong babae, sadyang hindi ko lang ineentertain. Ikaw, kailangan mo 'yan, nilalangaw ka na eh HAHAHAHA"Teka. Mukhang mas bastos 'tong kausap ko sa personal ah. Matapos ang pang-aalaska niya ay saka siya humiga sa ibabaw ng mesa, nag-e-ML, habang ako ay muling sumubok na mag-Omegle.
Dali-dali kong tinype sa 'interest' ang pangalan ng campus namin. Baka sakaling dito, may makausap akong ginoo na hindi bastos.
"Hey!" chat niya.
Sana naman may sense 'tong nakita ko.
"Hi!"
"M?"
"Hindi. Babae ako. Mukha lang akong lalaki kapag nakita mo" sagot ko.
"Grabe naman. I'm male. Single ka ba?" tanong niya.Ang bilis naman ng tanong niya.
"Yes. U?"
"Single pero taken ni kras. Hakhak"
"Luh. Pokpok. Taken ka ni kras mo pero humaharot ka dito sa Omegle ha. Hmp"
"Eh ikaw? Imposibleng wala kang kras"
"Syempre meroon. Bakit?" sagot ko.Napatingin tuloy ako dito sa adik sa ML na si CJ. Long time crush ko na kasi 'tong kupal na 'to eh.
"Shit! Ang kakanser naman nitong mga kakampi ko" reklamo niya habang abala sa paglalaro."Sino naman 'yang maswerteng kras mo?" usisa ng kachat ko.
"Bakit ba ang tsismoso mo? Wala ka na do'n 'no! Akin na 'yun"
"Kaya siguro hindi mapasayo eh kasi malihim ka. Nako! Baka maagawan ka niyan"
"So what? Edi maagawan kung maagawan. Kung aamin man ako sa kanya, for sure, hindi rin naman kami magkapareho ng nararamdaman"
"Oh paano mo nasabi?"
"Eh wala. Ramdam ko. Wala akong pag-asa kaya... bakit ko sisirain ang pagkakaibigan namin dahil lang sa feelings ko na 'to?" sagot ko.Maya-maya ay dumating naman ang kaklase kong si Tekla na inuusisa si CJ sa kanyang paglalaro. Napatawa naman ako nang biglang sabunutan ni Tekla si CJ. Kapag itong dalawang ito talaga ang nagsama eh, riot.
"Aamin ka lang naman. Hindi mo naman sisirain 'yon. Nasa sakanya lang naman kung titignan niya iyon bilang conflict ng friendship niyo" sagot ng kachat ko.
"Alam mo ikaw, kung makapagsalita ka akala mo naranasan mo na 'yung nararanasan ko ngayon ha"
"Hahahah realtalk, naranasan ko na. Crush na crush ko 'yung babaeng 'yon. Kaso natotorpe ako. Hindi ko alam kung paano ako aamin. Pero nakakatuwa kasi gumagawa talaga ang tadhana ng paraan para masabi ko sa kanya 'yung nararamdaman ko. "
"Sana all" reply ko.Sa usapan namin sa Omegle ay bigla namang sumulpot si Tekla sa tabi ko.
"Hoy, Ara! Omegle ka na naman. Kaya nahahawa sa'yo si CJ eh"
"Si CJ? gaga ka gurl, ML 'yung kay CJ Hahaha"
"Mas gaga ka, gurl, Omegle 'yun. Nasabunutan ko nga si CJ kasi pinaglololoko pa akong rank game 'yun. Nung masilip ko, Omegle naman. Nirotate lang niya 'yung display ng phone. Hahahaha"
"Sure ka ba sa sinasabi mo diyan ha?" tanong ko kay Tekla habang kinukurot ko ang tagiliran niya.Napatingin naman ako sa convo namin ng kachat ko. Tapos tinignan ko rin ang mukha ni CJ na nakangiti habang nakatitig sa phone.
"Wait, sino ba 'yang crush mo?" tanong ko sa kachat ko.
"Secret. Ikaw ba? Name drop! Name drop!" reply niya agad.Lumingon ulit ako kay CJ. nang mapansin niya yata na napatingin ako ay sumigaw ito na "BOBO! ANG BOBO NI GUSION HAHAHAHAHA"
Tinuloy ko ang pakikipag-usap sa Omegle at nagtype agad ako.
"Si CJ. si Cris John Almuente ang crush ko"
Sabay lingon ko ulit kay CJ. "WOAAAAHHH PANALO KAMI!!!!!!!" sigaw niya.
Agad akong tumakbo at inagaw ang phone ni CJ. Tinignan ko ang laman ng screen.
"WAIT ... WHAT?!!!!!!! CJ, IKAW 'YUNG KAUSAP KO"
Napatahimik siya nang makita ko ang convo ng anonymous guys sa Omegle niya.
"Makareact ka diyan, Ara, akala mo nakakita ka ng multo. Akin na nga 'yang phone ko. Baka mamaya halikan pa kita diyan eh. Pasalamat ka at crush din kita" wika ni CJ.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Historia CortaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.