From NIDO to Need Yo'

8 2 0
                                    

"Break na kayo?"
"Halla kelan pa?"
"Shit! Sayang yung 4 years"
"Wala na talagang forever"

"KAYO YUNG NASAKTAN? KAYO?! KUNG MAKAREACT KAYO PARANG KAYO YUNG WASAK!"

Nakakainip.

Hindi porket nagkabalikan na yung mag-asawa sa Nido ay ngangahulugan rin na magkakabalikan kaminng ex ko.

Siya si Isiah! 4-year boyfriend ko na ipinagpalit ako sa mukhang bisugong babae.

Magkaklase pa man din kami kaya ang hirap mag-move on.

Kada lingon, siya nakikita ko.
Kada uwi ko, siya ang nakakasalubong ko.

Minsan.

"Samsam! Andiyan si Isiah!" pagtawag sa akin ng kaklase ko.

"Oh ano naman ngayon?" wika ko naman.

Maya-maya ay biglang sumulpit si Isiah.

May dala siya na naging dahilan ng kantyawan sa room.

NIDO? SERIOUSLY?

"Hi Samsam!" Bungad niya.

Para wag lang marinig ang kakornihan niya, inilagay ko yung earphones ko sa tenga.

Pero wala yung music ha?

Palabas ko lang para masabi lang na move on na ako.

"Sorry Samsam. May regalo nga pala ako sa iyo"

Tapos inilapag niya sa upuan ko yung lata ng Nido.

Para saan pa?

Nasaktan na ako at hindi kami magiging katulad sa patalastas ng Nido.

Araw-araw ganoon.
Araw-araw palaging may Nido siyang dala.
Pero lata lang iyon ha?

Tumagal ng isang buwan na ganoon.
Kahit nasa bahay ako, nagdadala siya.
Kaya naman ngayon, mayroon na akong 31 na lata ng Nido.

"Tigil-tigilan mo nga ako Isiah! Huwag mo akong madala-dala sa mga pabiro mong gawi dahil hindi maibabalik ng mga latang iyan yung PAGMAMAHAL AT TIWALA NA WINALA MO!" hiyaw ko sa kanya.

Kaharao namin ang buong klase.

Naiinip na kasi ako.

"Simula una, palagi nalang yung pagmamahal mo, yung tiwala mo yung iniisip mo. Ni hindi mo nga naiisip yung feelings ko. Nagmamahalan tayo Samsam noon kaya dapat parehong puso natin ang iniintindi mo. Hindi pwedeng puro sa'yo nalang iikot ang relasyon natin dahil lang sa babae ka!"

Tapos umiyak siya.

Gago, idadaan pa niya ako sa mga kadramahan niya.

Pagkauwi ko sa bahay.

Nagulat ako ng makita ko ang iba't ibang kulay ng papel na hawak ng bunso kong kapatid.

"Ano iyan, bunchu?"

Tapos tinignan ko ang mga iyon.

Letter?

Letter mula kay Isiah?

"S-saan ito galing?"

Tapos tinuro niya ang mga lata ng Nido na nakasalansan. Iyon ang 31 na lata na binigay ni Isiah.

Binilang ko ang sulat.

Tumugma ito sa bilang ng lata - 31.

"Ibig sabihin, bawat lata ay may laman na isang sulat sa araw-araw"

Puro paghingi ng sorry ang laman.

Puro pagpapahayag ng damdamin ni Isiah ang laman.

Kinabukasan.

Tahimik ang klase.

Tahimik si Isiah.

Magmula ng pumasok ako, sa kanya lang ako nakatingin.

Pero hindi siya tumitingin sa akin.

Nakayuko at nakatingin lang siya sa malayo.

Uwian na.

Hinintay ko si Isiah sa pintuan.

Pero sa tagal kong naghihintay, nakaalis na yata lahat ng mag-aaral sa campus, wala pa ring Isiah na lumalabas.

Nagtaka na ako.

Sinilip ko siya.

Nakaupo lang siya sa upuan.

"Anong sinisilip silip mo?" seryosong tanong niya.

"Bakit di ka pa kasi nalabas?"

"Wala. Buti ka pa nakalabas na, pero yung feelings mo hindi ko pa-"

"I LOVE YOU!" sigaw ko.

Alam ko na ang ibig sabihin niya. Hindi ko pa inaamin sa kanya na mahal ko pa rin siya.

"Hindi totoo iyan" tapos naglakad siya papalayo sa akin.

"Huy! Sandali!"

"Bakit ba? Binalewala mo na nga efforts ko tapos guguluhin mo pa ako ngayon?" wika niya habang naglalakad lang at hindi ako nililingon.

"Huy! Kasi nga mahal kita, Isiah!"

"Susss"

"Mahal nga kita kaya please bumalik ka na. Balik na tayo sa dati, love"

Hindi niya pa rin ako nililingon.

Naglakad nang naglakad lang siya.

Kaya umiyak na ako.

Umiyak ng malakas para magpapansin.

"G-gago ka Isi-Isiah! Sinabi na ngang mahal pa kita tapoa dededmahin mo pa ako" tapos pinupunas punasan ko luha ko. Napatakip nalang ako sa muka habang humahagulgol.

Maya-maya ay may nag-alis ng kamay ko sa mukha ko.

"Tahan na, Love. Ikaw kasi eh. Bakit kasi kailangan pang magkabalikan yung mag-asawa sa Nido bago pa bumalik yung dating tayo?" sabay punas niya sa mga luha ko.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon