Madam Baby's Sweet Lover

7 2 0
                                    

"Jericho, pakidaan ako sa SM, I have to buy something" wika ni Madam Baby pagkasakay aa kotse.

"Ma'am? Ano na nga po yung SM?"

"Nakoo. Don't act like a stupid, Jericho. Ang tagal mo ng drayber ko, imposible na di mi pa iyun alam"

"Alam ko naman po Madam yung SM. Nanigurado lang ako baka nagbago na ang meaning ng SM"

"At ano namang magiging meaning noon kung magbago, aber?"

"Magiging SUPER MAHAL na po kita Madam Baby"

Tapos sumulyap ako sa salamin sa harap ko at nakita ko siyang napahinto sa paglalagay ng make-up.

"AAAAAHHHHHHH MAY HAYOP!"

Biglang sumigaw si Madam Baby kaya napapreno ako ng hikit.

Tumingin ako sa harap pero wala naman akong nakitang hayop.

"Ma-Ma'am? Nasan yu-yung hayop?" nag-aalalang tanong ko.

"Ah, eh. Omg! Kanina nandiyan lang" tapos lumingon lingon siya sa harap.

"Oh, sorry Jericho. I think namalikmata ako. Ikaw yata yung nakita ko, napagkamalan ko lang na HA.YOP" diin niya.

Tss. Iniinis ako ni Madam Baby ah.

Kumambyo ako at saka hinarurot ang takbo ng kotse.

"Ouch!"

Napasigaw si Madam Baby ng humampas ang ulo niya sa upuan sa harap. Gawa yata ng masyadong mabilis ang takbo namin.

"Aray! A-ansakit naman" wika niya habang napapahawak sa ulo.

"Kapag nauuntog kayo sa upuan, nasasaktan kayo. Kapag mauuntog naman kayo sa puso ko, iniiwasan niyo" bulong ko sa sarili.

"Anong sabi mo?" tanong niya.

Narinig niya yata ang sinabi ko.

"Wala po Madam. Sabi ko po, kakaliwa po ba tayo o kanan?"

"Sa kanan mo iliko. Kasi I want to be the right" pahayag niya.

"Ako rin Madam, sa right ko gusto. Ayaw ko sa left. Kasi I don't want to be left behind"

"Pwede pakibilisan? Wag ka ng maraming dada, Jericho" inis na sambit niya.

"Makarating na nga lang sa SM ang hihintayin niyo, hindi pa kayo makapaghintay. Ako nga matiyagang hinihintay ko na makarating sa puso mo, nainis ba ako?"

"Pakilakas nga yung aircon!"

"Sobrang lamig po?"

"Oo, i-full mo"

"Yung sobra sobrang lamig po?"

"Oo, lintik! Kapag sinabi kasi ng minsan, pakinggan. Hindi yung para kang tanga tanga na kailangan magpaulit-ulit, maipagsiksikan mo lang ang sarili mo!"

Tapos sinobrahan ko ng lamig yung aircon.

Manahimik lang siya.

"Mygosh! Ang lamig ha?" tapos napapayakap sia sa sarili niya.

"Jericho, pahinaan na nga ulit"

Di ko siya pinansin.

"Jericho, pahinaan nga ulit!"

"IPAPATODO NIYO TAPOS KAPAG HINDI KAYO NASIYAHAN, BABAWIIN NIYO. WALA TALAGA KAYONG ISANG SALITA'

Tapos pinatay ko na.

" Bakit mo pinatay? Ang sabi ko hinaan mo lang" aniya.

"Kapag kasi nanlalamig, pagkatapos noon mawawala na. Parang feelings na cold, sa huli, mapupunta rin sa 'hindi na kita mahal' stage"

After 5 mins.

Nakarating na kami sa SM.

Wala lang kaming imikan.

Tapos bigla nalang akong nagulat nang makita ko siya na nasa labas na.

Kinatok niya yung bintana sa gilid ko.

"Oh! Madam Baby nasa labaa na pala kayo"

"Oo eh. Ang manhid mo kasi kaya hindi mo namalayang nawala na ako. Pero anyway, nawala lang ako sa tabi mo, pero hindi yung feelings ko" tapos naglakad na siya papunta sa loob ng mall.

Hay nakooo. Ang hirap talaga kapag naging drayber ka ng ex-girlfriend mo.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon