Winona

71 9 0
                                    

"Kung iniisip mo na magkakalovelife ka dahil pinapayungan mo ako, nagkakamali ka. Wala tayo sa Kdrama kaya wag kang umasa na pipiliin kita"

Nakita kasi kita noon sa ulanan. Basang basaka habang yakap mo ang mga aklat mo.

Binigyan kita ng payong, pero mas pinipili mo ang magpakabasa sa ulan.

"Kelan ka ba mapapagod na bigyan ako ng payong?"

"Kapag napagod ka ng magpakabasa tuwing umuulan"

"Nagsasayang kalang ng panahon, hindi ako maliligtas ng payong mo"

Heto ka na naman.

Nananalo ng mga iniiyak ng ulap.

May dala kang bayong at mukhang galing ka sa palengke, pero mas pinili mo pa rin ang makipagsapalaran sa ulan kaysa sa inaalok kong payong.

"Bakit ba kasi nagpapakabasa ka sa ulan?"

"Dito lang kasi ako lumalakas at nakakatakas"

"Nakakatakas? Saan?"

"Wala. Itabi mo na lang yang payong mo. Ialay mo nalang sa ibang babaeng nangangailangan ng lilim mo. Hindi ako ang nararapat sa payong mo dahil kagaya ka rin ng ulan na titila at unti-unting mawawala"

Ang lalim ng sinasabi mo.

Nalulunod ako.

Sa pagkakataong ito, isang bibliya ang dala mo.

Kaso sa hindi mabilang na pagsubok ko na pag-aalok, mas pinili mo pa rin ang magpakabasa sa ulan.

Kinabukasan, maganda ang sikat ng araw. Maaliwalas ang langit pero tadhana'y masungit.

May ambulansya't mga kapulisan ang nasa harap ng bahay niyo.

Nagpakamatay ka raw.

Ang bali-balita sa bayan.

Minomolestiya ka pala ng sarili mong Ama at hindi mo nakayanan ang iyong dinadala.

Kaya pala palagi kang nasa ulanan.

Dahil gusto mong makatakas.

Kapag nababasa ka kasi ng ulan, hindi halata ang iyong pagluha.

Pero sana hindi mo nalang ginawa. Kasi ngayon, hindi ko alam ang aking magagawa ngayong wala ka na.

"Salamat ha? Pumayag kang payungan ko ngayon. Ayus lang sana sa akin kung hindi mo pinili ang payong ko, basta ang sa akin, sana pinili mo ang buhay mo" ang nasambit ko habang pinapayungan ang puntod ni Winona.

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon