"Billie! Oo, Billie ang magandang pangalan kung lalaki ang panganay natin""Ang sama naman. Parang ang common naman kasi. Jackson nalang siguro"
"Ano iyun? Idurugtong mo kay Michael Jackson?"
"Oo, idol ko iyon eh"
"Huwag! Ang usong mga pangalan ngayon ng lalaki ay yung masarap pakinggan kapag binigkas. Yung tipong nakakagwapo talaga"
"Katulad ng?"
"Bakit hindi nalang Timothy Marcus Rhain?"
"Ang haba masyado hahaha pahihirapan mo naman magsulat ng pangalan anak natin"
"Pero astig naman diba?"
"Eh teka, paano kung babae naman pala? Puro lalaki iniisip mo"
"Edi Sarah"
"Ha?! Mag-effort ka naman"
"Eh ano ba dapat?"
"Syempre yung mala prinsesa ang datingan. Hmmn ... Like, Aesha?"
"Southeast Aesha? Hahaha nagcause ka pa ng bullying dahil sa pangalan"
"Edi Hannah Johnson Amira"
"Sindy Lou Amira"
"No ... Mas maganda 'to, Alyssa Bianca Vera"
Maya-maya ay napatigil siya sa pagsasalita nang dumaan ang mag-asawa na buhat-buhat ang anak nila.
Hinawakan niya ang kamay ko at malamig na mga tingin ang itinapon sa akin.
"Bakit?" bulong ko.
"Paano tayo magiging magulang ng ating mga anak kung sinasalungat tayo ng mundo? Lalaki ka, lalaki ako. Kailanman ay patuloy na ibabato sa atin ang nakatala sa bibliya na ang babae ay para lamang sa lalaki"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Cerita PendekKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.