Syotak: Ang Syota Kong May Topak

8 2 0
                                    

Syotak: Ang Syota kong may Topak

"Bakit ba ang tagal mo?!"

"Sorry bal, ang kyut kyut kasi nung Stitch doon e"

"Inuna mo pa yung Stitch? Kesa sa boyfriend mo?"

"Bal naman. Napatagal lang ako ng 3 minutes and 10 seconds tapos papagalitan mo naman ako"

"Nagagalit ba ako?"

"Oo, tignan mo yung kilay mo salubong. Tapos di mo pa ako tinatawag sa call sign natin"

"Oh sige na, BAL"

"EH! Walang lambing. Hindi ako uupo sa tabi mo hangga't walang sweetness yung oagtawag mo sa akin"

"Arte mo naman. Suyuin ka't hindi lagi kang may demand"

"Iyan ka naman! Nagagalit ka na naman"

"Umupo ka na kasi at oorder na akong pagkain, bal"

"AYAW KO NGA! NAGAGALIT KA!"

Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi na nagsalita.

"Oh? Bakit di ka naimik? Kasi hindi mo ako mahal?"

"Watdapak! Umayos ka nga"

"Oh tapos minumura mo na ako"

"Mahal nga kita okay? Kaya kumilos ka ng babaeng hindi isip bata"

"Oh sige. Ijo pakialalayan mo nga ako at ang lola ay magpapahinga muna. Tsaka pasabi sa may-ari ng resto pakihaan naman ang aircon at ako ay nalalamig"

"Bahala ka nga sa buhay mo" sabay tayo niya sa upuan at saka naglakad papalayo sa akin.

"HOY! IIWAN MO NA NAMAN AKO!"

"IIHI LANG AKO MAGHINTAY KA!"

"HAHAHAHAHA! HOY BAL MAHAL KITA"

"OO MAHAL LANG RIN KITA KAHIT MAY TOPAK KA PA"

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon