Love Cycle

10 3 0
                                    

"Pare? Balita ko may LQ kayo ni Amanda?" tanong ni Jake.

"Oo, may gagong nakikisawsaw sa amin ng syota ko e. Nakita kong chat ng chat kay Amanda" wika ko naman.

"Sino naman?"

"Sino pa ba yung patay na patay sa girlfriend ko? Edi si Zeus" nanggigigil na sagot ko.

"Ahh. Edi anong plano mo? Tatambangan na ba natin?"

"Kalmaaa, Jake. Mag-aaral nalang akong mabuti"

"HUWAW! Iba rin parr! Sa pagkakaalam ko, yung Lance na kakilala ko wala iyang pinapalampas na gulo lalo na kapag tungkol na sa lovestory niyo ni Amanda"

"Ulul, basta. Manuod ka nalang mamaya" sambit ko habang binabasa ang aklat na dala ko.

Sa klase.

Time namin sa Oral Communication. Si Sir Ben ang guro namin. Pero wala pa rin kaming pansinan ni Amanda.

"Okay Class, today we will talk about The Communication Cycle by Shannon and Weaver. Sino na sa inyo ang may background sa model na ito?" tanong ni Sir sa amin.

Biglang tumayo si Amanda.
Hindi naman na nakakagulat kasi yung girlfriend ko na iyan ang top ng klase.

" Sir, it is a linear model of communication that provides a schematic representation of the relation between sender, message, medium/ media and recipient. It was developed by Claude Elwood Shannonand Warren Weaver."

"Okay, thank you Miss Amanda" aniya habang napapaslow clap kay darleeeng.

"Based on what Miss Amanda shared about Shannon and Weaver Model, is there anyone in the class who can elaborate and explain this model?"

"Sir!" wika ko. Nakita ko na napatingin si Amanda sa akin dahil na rin siguro sa pagkagulat.

Ngayon ko lang kasi ako nagpresenta sa klase.

"Okay, Mr. Lance go ahead!"

"Communication is a very complex process that happens orally, in written form as well as in non-verbal form, and in which the message that is being sent, takes place in a certain context. Both the sender and the recipient can respond to each other in this model, with the sender and recipient alternating roles" panimula ko.

"To really understand the Communication Cycle model, it's wise to first take a closer look at all components. Pwede ko bang i-request na samahan ako sa harapan ng girlfriend ko, Ms. Amanda?"

Napuno ang room ng mga "Ayieeeee" at kantyawan ng mga kaklase ko.

Nagulat naman si Amanda sa sinabi ko kaya naman halos malaglag ang eyeballs niya ng tawagin ko siya.

"Aware naman kayong lahat na in a relationship na kami for 3 years. Oo, 3 years" diin ko.

"And communication became one of the key why our love is still unbreakable" tapos hinawakan ko yung waist ni Amanda and I move her closer to me na mas lalong kinagulat niya.

Syempre, papogi ako kaya kinindatan ko lang siya.

"I always wanted that Amanda would always know how much I care and how much I love her in everyday of my life. That's why in this case, she is the receiver and I am the sender" I explained.

"Babe, hakbang ka ng lima papalayo sa akin" bulong ko.

"Why?" She answered.

"Basta trust me and my feelings"

One, two, three, four, five.

"Let me explained it in more interesting way. Let's say that my goal as a sender is to send my love for Amanda. The thing I sends, is the message or my LOVE AT HER. This message is intended for the recipient. The message itself has to be carried by a medium, also called a channel or the TRUST. It means, hindi ko maipaparamdam sa kanya yung pagmamahal ko kung hindi ito daraan sa isang pagtitiwala"

Nakita ko na namula si Amanda dahil sa sinabi ko.

"Sa oras na ipasa ko sa kanya ang nais kong sabihin, dito papasok yung CODING.
I translate my thoughts and feelings to an understandable language, with the intention that Amanda will understand what I mean. On the other hand, once the coding takes place it is now the turn for DECODING. Kung saan Amanda will interpret what she saw and heard into thoughts. Meaning, the more clearly the sender has encoded the message, the more accurately the recipient can decode it, minimising the chance of misunderstandings. Just like in a relationship, the more clearly a lover has encoded his love, the more accurately the loved ones an decode it, minimising the chance of misunderstandings" paliwanag ko.

"Zeus? Pwede ba kitang imbitahan sa harap?" yaya ko sa kanya.

Napatingin sa akin si Amanda at hindi ko maipinta yung reaksyon niya.

Pero di pa rin tumayo si Zeus. Natakot yata.

"Mr. Zeus, pumunta ka na sa harap" ani Sir Ben.

Napapakamot naman si Zeus sa ulo habang naglalakad siya.

"Pumwesto ka sa gitna namin ni Amanda" utos ko.

"Syempre sa isang relasyon, hindi nawawala yung mga problema o hindi pagkakaintindihan, Ganyan din sa komunikasyon. Kung sa tao ang problema na No. 1 ng mga couple ay 3RD PARTY!" diin ko sabay tingin kay Zeus.

Tapos si Zeus tumingin kay Amanda.

Tapos si Amanda minulagatan si Ako.

"Sa communication naman, ang hindrance ay tinatawag na NOISE" dagdag ko.

"Halimbawa, gusto kong sabihan ng 'I love you' si Amanda kaso maingay kasi yung noise sigaw ng sigaw ng 'walang poreber' may tendency a di niya ako maintindihan" sabay ngiti ko pagkatapos kong sabihin iyon.

"Sige, kunwari ikaw Zeus yung noise. Isisigaw mo 'Walang Poreber' okay?"

"Ako?"

"Oo, sumunod ka na"

Tapos bumilang akong tatlo at nag-acting kami.

I LOVE YOU
WALANG POREBER
I LOVE YOU
WALANG POREBER

"Oh diba? Ang gulo? Ang sarap suntukin este patahimikin. Oh sige na, umupo ka na Zeus"

"Pero once na nawala ang noise, ang problem, a harmonious communication or relationship can be build. And as soonn as the recipient responds to what the sender has sent, you get feedback" tapos lumapit ako kay Amanda.

"Halimbawa" hinawakan ko yung kamay ni Amanda at saka sumigaw sa harap. "I LOVEEEE YOUUUUU AMANDA!"

"I love you too, Lance" sagot ni Amanda.

"See? The way Amanda answered my 'I love you' is what we called feedback. And the way our love story lives on is what we called 'The Effects of Good Communication"

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon