Hinawakan niya ang kamay ko habang nakaupo kami sa isang parke kung saan ang mga bituin at buwan sa langit ang aming naging malaking sinehan.
"Sabi nila, may dalawang leksyon na maituturo ang isang tao kapag nawala siya sa buhay mo."
"Ano ang mga iyon?"
"Una, kapag nawala ang isang tao sa buhay mo, tuturuan ka nitong maimulat sa katotohanan na hindi mo hawak ang desisyon kung hanggang kailan sila mananatili sa tabi mo. Kaya dapat matutunan mo kung paano magpahalaga at magpasalamat sa bawat segundong umiinog sa mundo niyo."
"Pangalawa?"
"Pangalawa, ang pagkawala ng isang tao sa buhay mo ang magpapaniwala sa'yo na kaya mo pa ring mabuhay kahit mag-isa mo na lang - na nasanay ka lang sa presensya niya. Kasi dumating lang sila para turuan ka ng leksyon at umalis sila dahil natutunan mo na ang mga ito"
"Awww. Bakit mo ba sinasabi ang mga iyan? Iiwan mo na rin ba ako?"
"Hindi. Sinasabi ko lang sa'yo para malaman mo. Kasi sisiguraduhin kong hindi mo naman mararanasan 'yan dahil una sa lahat, wala akong balak na iwan ka"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.