"Gwapo, mapagmahal, matalino? Yak! Ang gasgas naman ng ideal mo Aneng"
Mataray na sambit ni Jillian habang binabasa ang nakasulat sa isang puting papel.
"Sa pagkakaalam ko, wala namang masama sa naiisip kong katangian ng ideal man ko, si Jun ang pumasok sa isip ko. Kaya sa kanya ko binase iyan"
"So parang sinabi mo na rin na si Jun ang ideal man mo. Sabagay hindu naman nakakapagtaka, simula palang ng klase ay humaling na humaling ka na sa babaerong iyon"
Napakalumbaba ako at napatingin sa langit habang iniimagine na kasama ko si Jun.
"Yiiieeeh! Kinikilig ako makainip" pigil ko sa sarili.
"Pahingi nga ng papel!" sabay kuha niya ng puting papel sa envelope ko.
"Heto kasi dapat ang number one na iisipin mo kapag naghanap ka ng the one"
Nacurious ako sa sinabi niya. Ano naman kaya iyun? D A K S - yan yung nakasulat."Daks? Bibe?"
"Hahahah oo nalang Aneng, dapat HAYOP yung ideal man mo!" sarkastikong tugon nito.
Naiwan akong nakatitig sa sinulat niya. Parang ang weird naman noon. Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na lumipad na ang mga papel ko dahil sa hangin.
"Tara na Aneng! Tambay tayo sa room"
"Wait lang at itatabi ko lang itong mga papel"
"Hayyy! Ang boring naman" wika ng isang kaklase ko habang may kanya kanyang mundo ang bataw taa sa loob ng room.
"TRUTH or DARE tayo guys?" yaya ng president namin sa room na promotor ng pag-iingay.
Dahil na rin sa wala kaming magawa, lahat kami ay hindi na nag-atubili pang pumunt sa gitna. Hinawi namin ang mga upuan at katabi kong umupo si Jillian sa sahig. Lahat kaming magkakaklase ay nasa isang malakingbbilog kasama ang crush ko na si Jun. Yieeeeeh
"Oh, may bote ako rito na papaikutin natin sa laro. Ang maturuan ng takip ng bote, siya ang magdedecide kung truth or dare at kung sino naman ang natapatan ng ilalim ng bote, siya ang maggagawa ng question or consequence. Game?"
"Game!" Sabay-sabay na wika ng buong klase.
Nang ipinaikot na ang bote, napasakto ang tapat sa akin ng takip nito.
"Shit" tanging salita na lumabas aa bibig ko.
Unti-unti kong sunundan ang katawan ng bote kung saan nakaturo ang ilalim nito.
"JUN? Si JUN?"
Halos malaglag ang eyeballs ko ng makumpirmang siya nga natapatan.
Parang tumigil ang mundo ko ng mga sandaling iyon. Naramdaman ko ang paglipad ng nga paru-paro sa tiyan ko."Hi, Aneng!" wika ni Jun sa akin.
"Truth or Dare?" dugtong niya.
"T-truth!"
Nanahimik ang paligid at tanging pintig lang ng puso ko ang nag-ingay.
"Sa bilog na ito, sino yung hinahangaan mo at bakit mo siya hinangaan?"
Seryoso siya?
Narinig ko naman na nag-Ayieeeee ang mga kaklase ko. Alam naman kasi nilang crush ko si Jun noong grade 7 palang kami.
"Chance mo na ito Aneng" bulong ni Jillian sa tabi ko. Pasimple niyang kinuha yung papel na pinagsulatan ko kanina at iniabot niya ito sa akin.
"Tinatanong mo yung hinahangaan ko ano Jun?" paniniguro ko habang nanginginig na hawak ang papek sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Historia CortaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.