Nang makilala kita, iyon ang pinakamagandang "Once upon a time" ng buhay ko.
Nang makita kita, naglalakad ka dala ang iyong mga libro habang pinupunasan ang iyong salamin. Tapos parang bumagal ang oras at nanlabo ang paligid. Sa'yo lamang nakatuon ang lente ng mata ko; nakangiting pinagmamasdan ang hinahangin mong buhok. It's the second time na nakita kita but it feels like the happiest "love at first sight" ng buhay ko.
"I'm Jacob" bungad ko habang iniabot ang kamay ko sa'yo. You answered "I'm Sofie". Paraho pala tayo ng club na sinalihan. Kung saan ako yung drummer ng banda and you're the new recruit vocalist.
Nang dumaan ang araw na lagi tayong nasa praktis. Nagkakamali sa pagtugtog o minsa'y wala sa tono, ewan ko ba, perl hindi ko iyon alintana dahil wala pa ring binatbat ang ilang pagkakamali ko sa isang tama na nangyari sa buhay ko - iyon ay ang makilala ka.
Nang maramdaman ko na ...
"Teka! Bakit ayaw na kitang mawala?"
"Teka! Bakit lagi kitang hinahanap sa praktis? Dahil ba kulang ang banda kapag wala ka? O kulang ang araw ko kapag hindi ka nikikita ng mata ko?"
"Pucha! Kinikilig ako kapag kausap ka"
"Crush na yata kita? Fuck! O Mahal na pala"... Iyon ang pinaka nakakasirang pakiramdam ng buhay ko.
"Sofie, may ipagtatapat ako sa'yo" wika ko. "Ako rin, Jacob". Kinabahan ako at pinagbigyan kita na mauna sa sasabihin mo. "Gusto kita" aniya. "Gusto kita na maging boy bestfriend. Pwede ba?" tanong niya.
"O-oo" iyon ang pinakamalaking kasinungalingang sinabi ko. May lakas na akong loob na sabihin na mahal kita. Kaso naglaho lahat kasi alam kong ... dehado ako.
Nang naging boy bestfriend mo ako, lahat nalaman ko sa'yo. Sinong mga binasted mo, mga nanliligaw sa'yo, sinong mga exes mo at kung sino mga crush mo.
Hehehe syempre wala ako roon.
Boy bestfriend mo lang ako.
Pero isang araw, may sinabi ka sa akin na may crush ka. Ang pangalan niya ay Rum. Sa lahat ng sinabi mong crush, siya lang ang hindi ko nakita. Kahit licture wala kang mapakita kasi sabi mo, siya yung the one na gusto mong makasama sa altar. Kaya kung ipapakilala mo sa akin, bilang boy bestfriend mo, dapat personal.
Lumipas ang mga buwan. Para ka nang kabute na uulpot-ulpot sa praktis. Kahit mga chat, text and call mo madalang nalang ang pagdalaw sa telepono ko. Tahimik ka naman kapag present ka kaya wala akong chance na makausap ka.
Hindi ka naman kasi yata interesado. Ako lang ang nakakamiss, Sofie.
"Jacob!" tinawag mo rin ako sa wakas. "Sofie!" sagot ko agad. "Tara, dinner tayo sa bahay" matamlay na aya niya. "A-ah si-sige" nawi-weirdohan kong sagot. Pero habang naglalakad kami palabas ng practice area, nagcollapse si Sofie.
Hindi ko alam kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Storie breviKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.