"Makaka-knockout na naman si Pacquiao" bulalas ni Manny habang matunog na nginunguya ang hindi pinagsasawaang bubble gum.
"Anong Pacquiao Pacquiao ang sinasabi mo jan? eh English pinag-aaralan natin" sambit ko sa kanya.
"Tss. Mapapatulog na naman iyan ni Pacquiao"
Napalingon ako sa likuran ko ng marinig muli ang pahayag ni Manny.
"Ano bang meroon kay Pacquiao? Palagian mo nalang kasi siyang nababanggit kapag English time" pagtataka ko.
"Tignan mo si Jinky" turo niya sa akin. Nakatayo si Jinky sa harap ni Ms. Dionisia. Recitation na naman yata.
"Okay Jinky, please give me one importance of communication in our daily life" tanong ng guro na naging dahilan upang mapakunot ang noo at magsalubong ang kilay ni Jinky.
"The ... The important of ... The importance of communicatiory ...I mean, the communication is because ... We ... We ... We always understand ... Basta ano Ma'am. Basta naiintindihan natin ang mga gustong sabihin ng iba at naipapahayag natin ang gusto nating ipabatid sa iba" sagot ni Jinky habang pulang pula na napapakamot sa ulo.
"Oh anong konek?"
Napatawa naman ng bahagya si Manny ng tanungin ko siya.
"Kung ang pagsagot sa Ingles ay isang boksing, ang wikang Filipino at banyagang mga salita naman ang mga boksingero. Anumang pilit nating salitain ng diretso ang Ingles, sa oras na maubusan na tayo ng sasabihin laging nagtatapos ang laban sa pagdudugtong ng tagalog. Napapataob yung barok nating Ingles katulad nalang ng kung paano pataubin ni Pacquiao ang kalaban sa loob ng ring"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.