Inaayos ko na ang mga gamit ko.
Uwian na.
Maya-maya napatingin ako sa gilid ko.
May kumakalabit.
"Hi Binong!" ang bati ni Sasa
"H-hello?" nagtatakang tanong ko.
"Ingat ka sa pag-uwi ha? I love you and you're welcome" ang wika niya.
Nakangiti niya akong tinalikuran at naglakad palabas ng silid.
At ako? Ayun, napaisip ako sa sinabi niya.
Sa canteen, lalapangin ko na sana yung ispageti. Kaso biglang umupo si Sasa sa mesa kung saan ako nakapwesto.
"Water?" alok niya.
"Sige lang Sasa, hindi naman ako nauuhaw" pagtanggi ko.
"Suss, wag ka ng mahiya! Hindi ko naman pababayaran 'yan sa'yo. Pakabusog ka ha? I love you and you're welcome" sambit niya.
Nagpatuloy ang ganong senaryo. Araw-araw. Walang palya siyang nagsasabi ng 'I love you and you're welcome'. At wala ring palya ang utak ko sa kaiisip kung ano ang ibig sabihin ng mga palaisipan niyang iyon.
Isang araw, naabutan ko siyang nagbubura ng mga nakasulat sa blackboard. Mag-isa lang niya. Pero ngayon, dalawa na kami. Napansin niya ako. Nagwave siya sa akin.
"Binong?" tawag niya.
"May ipapakita ako sa iyo" dagdag niya.
Tumalikod siya sa akin at may isinulat sa pisara. 'I LOVE YOU AND YOU'RE WELCOME' ang nakalagay rito.
"Iwan muna kita ha?" pagpapaalam niya.
Bago siya tuluyang makalabas, pinigilan ko siya.
"Anong ibig sabihin noon?" tanong ko.
Binigyan niya ako ng ano-hindi-kita-magets look."Anong ibig sabihin mo ng mga I love you and you're welcome mo?"
Napakamot siya sa ulo. Nagkulay rosas ang mga pisngi at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.
"Ah iyun ba? Heheh. Tanda mo pa ba Binong nung nanligaw ka sa akin ng ilang beses tapos ilang beses rin kitang ni-reject? Ewan ba kung bakit binasted kita noon. Pero wag mo na akong isipin. Happy naman ako, Binong. Happy ako para sa inyo ni Claudia. Stay strong sa inyo ha? Yung 'I love you'? Wala 'yun. Binabayaran ko lang yung mga 'I love you' mo sa akin na sinayang ko noon. Tapos yung 'You're welcome'? Hahahah wala lang din 'yun. Dinagdag ko lang yun para hindi masyadong masakit. Tanggap ko na kasi na hindi 'I love you too' ang isasagot mo sa akin kundi 'Thank you'.
'Thank you' dahil kung hindi kita tinanggihan, hindi mo makikilala ang babaeng para sa'yo. 'Thank you' dahil alam ko namang hindi mo kayang sabihing mahal mo rin ako dahil hindi mo naman na kayang mahalin ako. Bakit ba kasi ngayon lang kita minahal kung kailan may iba ka ng mahal?" wika niyang nagbigay tuldok sa bugtong na binagay niya sa akin.Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Короткий рассказKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.