TITLE HOLDER

14 2 0
                                    

"Ralph! Love, huwag kang kakabahan ha?" mga salita ko sa kanya habang pinagmamasdan kung pano siya naghahanda bago lumabas sa unang bahagi ng kompetisyon.

"Yung number sa costume mo baka malaglag" sambit ko habang inaayos ang pardibleng nakasabit dito.

"Love, okay lang ako" nakangiti niyang saad nang hawakan ang balikat ko.

"Lira, anak, kayang kaya 'yan ni Ralph. Mukhang ikaw pa ang kinakabahan e" sabat ni Tita Marga, Mommy ni Ralph.

Napabuntong hininga nalamang ako nasabing "Sorry, Tita, Ralph, sobrang natutuwa lang po ako at proud na proud sa boyfriend kong to" sabay hawak sa kamay ni Ralph.

"Okay, pumuwesto na lahat ng candidate. Magsisimula na tayo" sigaw ng isa sa mga organizer.

Sa huling pagkakataon ay patalon akong yumakap kay Ralph at ibinulong sa kanyang "Ralph, Love, ang gwapo mo. Mahal na mmahal kia, makuha mo man o hindi ang titulo"

"Salamat" mahina niyang sagot.

"Ladies and gentlemen! Please welcome our candidates for Ginoong MonteCarlo 2019" kadugtong ng hudyat na iyon ang sigawan at dumadagundong na pagwawala ng mga manunuod.

Si Ralph. Magdadalawang buwan palamang kami. He's my bestfriend before; my first boyfriend as well. He came from a severe heartbreak. I never thought na darating kami sa point na ganito. Yes, may nararamdaman ako sa kanya noon pa man pero hindi ko ipinaalam noon bilang respeto na rin sa babae na akala ko iingatan siya .

Bago ang Q and A Portion ay pumunta muna sila sa backstage. Ramdam ko ang tension ng jowa ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya pagkababa ng stage.

"Kinakabahan ako" bungad niya sa akin habang kapansin-pansin ang pangangatug ng tuhod niya.

"Umupo ka muna, Love. Relax. Okay? You did a great job na agad. Nakita mo ba yung ilang sash ang sinabit sa iyo? Konti nalang. Kaya hold on"

"Paano kung hindi ko masagot?"

Hinawakan ko ang kamay niya at itinapat sa kanyang dibdib.

"Kapag nanggaling ang sagot sa puso, walang mali rito Love"

"Okay, thank you, Love. Aalalahanin ko iyan"

"Go, RALPHHHHH!" sigaw ko sa backstage habang hawa-hawak ang camera ko.

Turn na niya para sumagot

Grabe, ako ang kinakabahan.

"Candidate No. 6, this is your question ..."

Go, Ralph!

"Kailan mo masasabing mali ang isang pag-ibig?" tanong ng host.

"Naniniwala ako na kailanman ay hindi naging mali ang pag-ibig. Masaktan ka man ng isang tao, iwan ka man nito o ipagpalit, ang pag-ibig ang pinakatamang bagay sa mundo. Kung may mali man marahil ito ay pagpili na pakawalan at hayaang maglaho ang pag-ibig na natagpuan mo sa kabila ng mga kamaliang pinaramdam nito sa'yo "

Nagpalakpakan ang lahat sa sagot na iyon ni Ralph.

"Ang lalim ng hugot ni Candidate No. 6, baki nandito ba ang taong hindi mo hahayaan ang pag-ibig na natagpuan mo?" panunukso ng host.

"Opo" diretsang sagot ni Ralph.

Napangiti ako habang kinukuhanan ng video ang mga nagaganap.

"Nasaan siya?"

Kinabahan ako.

"Ayun po!" sabay turo niya sa babaeng nakaupo kasama ang mga audience.

Kinabahan ako dahil hindi pala ako. 

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon