Sana All

8 3 0
                                    

"Geez! Sana all! Sana all! Sana all!" wika ko habang nagmimistulang bulateng inasinan sa sobrang kilig sa aking higaan.

"Ate girl sana ako rinnnnnnn"

Sino ba namang babae ang hindi mapapalagay kung makita mo ang sarili mo sa isang sitwasyon kung saan malaya kayo ng lalaking mahal mo na nalilibot ang mundo, nagkakasamang manuod sa sinehan, naglalakad habang magkahawak kamay sa daan, kumakain kasama ang pamilya ng isa't isa? Hindi ba lahat tayo iyan ang goals?

"Nakakainggit ka talaga, Izzy" sambit ko habang inii-stalk ang mga social media account niya.

Sikat na sikat kasi itong si Izzy at Migz dahil sa sila na yata ang tunay na halimbawa ng mga relationship goals.

"Saang kamay ko kaya kukunin ang ganitong lalaki sa buhay ko. Yiiiieeeeeh. G? Kahit isang Migz lang sa buhay ko, pwede na akong mamatay" pagbibiro ko na halos mapatili sa kilig habang tinitignan ang mga larawan nila. Paano naman kasing hindi ka magnanais na magkatoon ng kagaya ni Migz e bukod sa oppa, matalino na, mabait na at saka sporty pa!

Napatingin ako sa orasan.

"11:11 na pala. Ano ba 'yan?"

Magtatanghali na naman.

"Hays, SANA ALL!" hiling ko sa hangin na sana ipadala niya sa langit.

"Aray! Ano ba 'yan?" Napalingon ako sa likuran ko ng may nanghampas ng libro sa ulo ko.

"Naku, sorry Miss! Akala ko ikaw kyung kaibigan ko. Kamukha mo kasi, parehas kayong maganda" pahayag nito.

At hindi lang doon nagkrus ang landas namin. Naging kaklase ko pa siya. Siya pala si Archie.

Gwapo? Oo.

Pero hindi ko type. Nagpatuloy lang ang buhay ko ng AKO LANG not until one day, I received a message from an unknown number.

Patuloy lang sa pagsesend ito ng kung anu-anong tanung regarding sa kung sino ako. Hinayaan ko lang, si Archie lang pala at gustong makipagkaibigan.

Pero hanggang kaibigan lang ba talaga?

The time he gave to me is a time na usual na binibigay when a boy fell in love with a girl. Ayaw kong mag-assume pero biglang lahat naging sure ng tanungin niya ako kung pwede akong ligawan.

Umoo ako. Kasi narealize ko na na-fall na rin ako. And feeling ko siya ang hinulog ng langit sa'kin. Parang kami yung couple na sinusubaybayan ko lang noon.

Katulad kasi ni Migz, nililibot namin ang mundo, kumakain kami together with his or with my family. Nakakalabas kami anytime we want.

"Bakit ka na naman nakashort? May pinapagandahan ka pa ba bukod sa akin?" tanong niya. Lagi kaming ganyan and I find it sweet, kasi feeling ko he doesn't want me na mabastos ng other guy BEFORE. Oo, before. Dahil habang tumatagal ang lahat lahat ng ginagawa niya ay hindi kalambingan kundi kasakalan.

"Sinabi ko naman sa'yo na bilisan mo diba?" bungad niya sakin pagkasakay ko ng kotse niya.

"Sorry, nagpaalam pa kasi -"

"Nagpaalam? O nagpaganda ka na naman lang? Tignan mo nga iyang labi mo! Pulang pula na parang nang-aakit na tikman ng ibang lalaki!"

Sinampal ko siya. "HINDI TOTOO 'YAN!"

Tapos hinila niya ako papalapit sa kanya at pwersahang binura ng agresibo niyang kamay ang lipstick sa labi ko.

"Aray! Archie nasa-nasa-saktan ako!!!!!!"

Tinulak ko siya ng buong lakas para lang maalis ako s mga braso niya. And I tried to get out of his car pero hinablot niya ang manggas ng damit ko.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon