OwMyDay

8 3 0
                                    

"Hoy! Badong!"

"Bakit?" inis niyang sagot sa akin.

"Diba sabi ko sa iyo i-My Day mo ako?!"

"Sino ka ba?"

"Ako yung patay na patay sa'yo" sigaw ko.

Tinanguhan lang niya ako tapos nagpatuloy na naglaro ng basketball.

"Tumahimik ka na nga, Naning. Nakakahiya ka na" awat ni Petchie sa akin.

Kinabukasan.

"Hoy! BADOOOOONG!"

"Bakit ba Naning?!"

"BAKIT DI MO PA AKO MINA-MY DAY?" tanong ko habang binabato ko sa kanya ang suot kong sapatos.

"Aray! Ayaw ko nga. Bakita ba?"

Iniwan na naman niya ako at nagpatuloy lang sa pagbabasketball.

"Bakit ba kinukulit kulit mo si Badong sa My Day niya? Eh obvious naman na wala siyang interes sa'yo!" Diin ni Petchie

"ALAM KO YUN! WAG MO NG IPAMUKHA! Sabi kk sa kanya i-My Day niya ako kahit minsan. Para naman maramdaman ko na ka-My Day My Day rin ako. Tsaka kapag ginawa niya iyon, pinangako ko naman na hindi ko na ipagtutulakan sarili ko sa kanya. Kaso ganoon na ata talaga kababa ang interes niya sakin. Kaya kahit My Day lang, hindi niya sa akin magawa"

Pagkatapos ng kinabukasan.

"HOY BADONG!" sigaw ko.

Nakita ko na binitawan niya yung bola. Nainis ata siya sa pangungulit ko.

"Bakit ba ang kulit-kulit mo Naning?!"

"Bakit kasi ayaw mo akong i-My Day ng tumigil na ako?!" sabay suntok sa kanya.

"Sino ka para i-My Day ko?"

Wow. Ang sakit. Napaatras ako.

"Ako lang naman yung nagpapakatanga sayo na UMAASA na mapapansin mo kahit man lang sa MY DAY sa loob ng ONE DAY! Ayaw ko na sayo!"

Tinalikuran ko siya at padabog na naglakad palayo.

"HOY NANING!"

"HOY BADONG!" bawi ko.

"AYAW KITANG I-MY DAY KASI GUSTO KO I-MY LIFE KA!"

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon