PAANO MAKASURVIVE SA KOLEHIYO?

54 7 0
                                    

Dati akala ko ang unang requirement para mairaos ang kolehiyo ay talino. "Kailangan magaling ka sa lahat" pero maling mali nang unti-unti na sa aking pinaranas ng panibagong yugto na ito kung gaano kalala ang kabobohan ko.

First seatwork ko sa college hinding hindi ko malilimutan, MMW, 3/14 lang ako kasi hindi ko nagets yung topic tapos kinapos ng pagsosolve sa problem. Kinagabihan umiiyak na ako. Kinekwestiyon ko yung sarili ko kung anong nangyari. Feeling ko mawawala na yung scholarship ko, na hindi ako pang-Engineering, basta lahat ng negatibong ideya naglaro sa isip ko.

Pero alam mo yung makamangha?

The other day, nakakangiti pa rin mga kaklase ko. Nagbabatuhan pa ng korning jokes at maya't maya ang mga banat kahit na halos pare-pareho pala kaming lagpak sa unang seatwork.

Nakakasira ng ulo ang pag-aaral. Lalamunin ka ng samu't saring pagdududa mo sa kapasidad mo. May bagsak moment pero kalag nakikita mo silang nakangiti, tatapikin ang balikat mo at sasabihing "Babawi tayo" means a lot for me to strive more knowing na hindi ako nag-iisa.

What I'm trying to say is, one of the driving force to survive your college life are the people that sorrounds you. Being in a circle of positive souls is a blessing.

Pray for your 'soon to be classmates'; na sana hindi lang puro kompetisyon ang pinapahalagahan sa klase. When you're weak, your classmate will be the one who will remind you how to be strong when you yourself don't know how to. College is not just about the battle of brains and skills. College is a boxing ring where yourself is also your opponent. And in times when you don't know how to win the fight, your classmates are there to fight with you; to fight against your insecurities, your weaknesses, to fight with your doubts and shortcomings.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon