Sana Mamatay Ka Na, Kambal

142 12 0
                                    

"Napakaepal mo! Sana mamatay ka na"Duro ko sa kanya habang umaagos ang luha sa parehong mata namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Napakaepal mo! Sana mamatay ka na"
Duro ko sa kanya habang umaagos ang luha sa parehong mata namin.

Dahil nga kakambal ko siya, ang kapalpakan niya ay nagiging kapalpakan ko rin.

Naalala ko ang lahat ng kamalasang dinulot ng kakambal ko.

Siya ang dahilan ng pagiging mahina ko!

Siya ang dahilan ng paggunaw ng mundo ko! At siya ang dahilan ng pagkamuhi ko sa sarili ko!

"Sa tuwing nakikinig ako sa diskusyon sa klase, palagi mong binabagabag ang kalooban ko! Bakit mo ba palagiang ginugulo ang isip ko? Alam mo namang nagsisikap ako para makabawi kay Ina. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi mong ipinamumukha sa akin na HINDI KO KAYA! Palagi mong ipinamumukha sa akin na WALANG LAMAN ANG UTAK KO!" diin ko sa kanya.

"Sa tuwing nakakakita ka ng magagandang gamit ng mga kaklase natin, bakit ba laging gusto meroon ka rin ng mga luhong iyon?"

Hindi siya umiimik. Bagkus ay tanging mga hikbi lang niya ang natanggap kong sagot.

"Sinabi na nga sa iyo ni Ina na MAGANDA KA! NA MAGANDA TAYO! Pero bakit mo hinahayaang maniwala sa sinasabi ng iba na PANGIT KA?! Palagi kang nag-iisa. Palagi kang natatakot humarap aa tao kahit na hindi naman dapat! Sumagot ka kambal dahil gusto kong marinig ang sagot mo dahil GULONG GULO NA AKO AT HINDI KO NA MAINTINDIHAN ANG NAGYAYARI SA IYO!"

Sigaw ko na punong puno ng galit ang naibato ko sa kakambal ko.

"Hindi mo ba alam na sa tuwing nakikita kitang kinakain ng pangliliit mo sa sarili mo, nasasaktan ako? Nasasaktan ako dahil kakambal kita. Hindi ko alam kung paano ka maiaalis sa yungib na kinatataguan mo para makita mo ang liwanag na hindi mo na nasisilayan dahil nabubulag ka na sa mga maling paniniwalang binabato sa'yo ng mundo!
SANA MAMATAY KA NA, KAMBAL! SANA MAMATAY KA NA! GUSTONG GUSTO NA KITANG MAMATAY, KAMBAL. DAHIL HABANG NAKIKITA KITANG NABUBUHAY, MAS NAPIPILITAN AKONG PILIIN NA LAGUTAN ANG SARILING BUHAY KO. DAHIL KUNG HINDI KA MAMAMATAY, AKO ANG MAMAMATAY!"

Umiyak lang ako sa kanya. Iniiyak ko nalang sa kanya.

Baka sakaling kapag dugo na ang aking nailuha, naisin na niya ang maglaho ng kusa.

Gusto ko ng mamatay ang kakambal kong naniniwalang mahina siya.

Gusto ko ng mamatay ang kakambal kong naiinggit sa paligid niya.

Gusto ko ng mamatay ang kakambal kong kinakahiya ang ganda niya.

Gusto ko ng mamatay siya dahil nagpapalamon na siya insecurities niya.

Iyan ang nasabi ko habang nakaharap sa isang salamin. Nakita ko ang isang tao na may kinukubling kakambal sa loob nito.

Umiiyak siya.

Nanliliit siya.

Dahil sa oras na hindi niya mapatay ang kakambal sa loob niya, dito na nagtatapos ang laban na sinimulan niya.

"Ang ako na hindi kayang bigyang importansya ang halaga at silbi ko bilang tao - iyan ang kakambal ko"

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon