"Rafaella Santillan, 18, San Luis, Aurora."
As usual, bukod sa labanan ng mga kandidata labanan din ito ng mga supporters. Nag-ingay ang mga kaibigan at mga kapamilya kong sumuporta sa pageant na sinalihan ko. Natapos na ang unang portion ng pageant. Dali-dali kaming nagbihis para sa Production Number. Habang abala kami sa pagbibihis ay saka naman pinakilala ang mga hurado.
"Oh, Rafa, pakinggan mo ang mga hurado. Hulihin mo ang mga kiliti niyan ha. Mga bigatin 'yan kaya dapat mas awrahan mo pa" eka ni Mamang, handler ko.
Habang minemake-up-an ako ay nakinig akong mabuti sa mga pinapakilalang hurado.
"... He is the commanding officer of the Philippine Navy. Born and race in this municipality. Let's give a round of applause to Lieutenant Commander Arthur Jimenez"
"F*ck!" sigaw ko na naging dahilan para magulat si Mamang.
"Oh? Huwag kang magulat. Ganyan talaga ang mga hurado. Bigatin nga raw ngayon kaya tama nga ang bali-balita" wika niya.
"Mamang, shit! Ex-boyfriend ko 'yung judge na 'yan!!!!!!!!!!!"
"Jusko. Mahabaging langit. Ayaw mo 'yun? May pag-asa ka, Rafaaaaa!"
"Deym. Bakit siya?"
"Tsss. Ngayon ka pa aatras? Kung ex mo, the walk to that stage at paglawayin mo sayo! Huwag kang dagain kasi kapag nangyari 'yon, talo ka"Okay. I let myself walk to that stage at ipapakita ko sa kanya 'yung sinayang niya.
Wait. Sa pagkakaalala ko, ako nga pala ang nang-iwan.
And luckily, after the production number, I bagged the Best in Production Number. Tama nga si Mamang. Mukhang may pag-asa ako na maiuwi ang korona. I remember the past, in times where Arthur is the only one who believed in me that I can dance, he's the one who's always there to support me and inspired me to excel in dancing.
I won Best in Swimsuit. Maybe I got her attention kahit na habang may kompyansa akong lumalakad na naka-two piece ay napapakunot na lang ang noo niya at naiilang na tumingin sa akin. When he's still my boy, we're always in trouble kapag nagsusuot ako ng revealing na damit. He's always telling me that I'm too beatiful to flaunt my skin.
I awarded as Best in Long Gown. Sakto, paborito niyang color na damit ang suot ko which is black. I remember our first dance, JS prom, nangangatog pa ang tuhod niyang habang sinasayaw ako kasi nahihiya raw siya. Mukha pa siyang sakitin noon. But now, by looking at him from a distance, I can say that he's too hot in his uniform. Argh!
Q and A portion. This is my favorite part of the competition before. But today? Ewan. Iba. Iba yung nararamdaman ko lalo na at may chance na si Arthur ang magtanong sa akin.
"Okay, Contestant No. 3, you may pick your judge" wika ng host. Ngayon ko lang narealize na 'yung number ko sa pageant ay date kung kailan ko sinagot si Arthur. Kakainis!
And as I opened it, isa lang ang nasabi ko habang hawak ang mic, "Sh*t".
Narinig kong nagtawanan ang mga audience pati na rin si Arthur na feeling ko ay alam na ang ibig sabihin ng reaction ko.
"And your judge is... ?"
"Lieutenant Commander Arthur Jimenez po"Bitch. Masisira na 'yung strap ng bra ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Hello, Ms. Rafa-ELLA" bati niya. Binigyan niya talaga ng stress ang Ella kasi siya lang ang tumatawag ng Ella sa akin.
Hindi ko naman pinansin ang bati niya at sa halip ay ngumiti na lang sa kanya.
"So this is my question. If you're going to choose between the love and career, what are you going to choose?"
Between love and career.
Between love and career.Nag-echo sa tenga ko ang tanong niyang iyon. It's the question that is related to our break-up. Ayaw ko siyang mag-Navy kasi gusto ko na nasa tabi ko lang siya that time. Pero pinili niya 'yun. At ang sabi ko, kapag pinili niyang mag-Navy, pipiliin kong kalimutan siya.
Which is why our relationship is ended.
"I'm going to choose career." bungad ko na nagpangiti sa hinayupak kong ex. How irony naman kasi ng sagot ko sa nangyari samin.
"Because if the people around me truly love me, they will understand that I chose my career for them. Thank you!"
And because of that answer, it puts me to 1st Runner Up. When my family and my handler checked the scoresheet, it shows that Arthur gave the lowest score base on my answer!
Napasugod tuloy ako sa kanya. Naabutan ko siya sa parking area na pasakay sa sasakyan niya.
"HOY! IKAW NA HINDI CREDIBLE JUDGE SLASH BIAS JUDGE, ANO BANG KASALANAN KO PARA ISAYAD SA BABA ANG SCORE KO?! HINDI MO BA ALAM NA ILANG BUWAN KONG PINAGHANDAAN ANG GABING ITO TAPOS TATARANTADUHIN MO LANG?!"
Natahimik siya.
"Teka, ano bang pinuputok ng butsi mo? Sa pagkakaalam ko, I scored base on the candidate's performance. Hinahanap ko 'yung sincerity ng contestant sa pagsagot ng question. And your answer shows a big big lie."
"Bakit kasi pinepersonal mo?!" bwelta ko.
"It's not my fault na alam ko ang totoo na mas pipiliin mo ang love withput considering the other people's career para lang mawala 'yung takot mo na kapag umalis ang tao sa tabi mo ay nangangahulugan na iiwan ka.
Sige, sabihin mo sa akin kung saan ako nagkamali.""Ano bang tinutukoy mo? Yung pageant o yung ano ..."
"'Yung dating tayo, Ella! 'Yun yung tinutukoy ko. Sumampa ako sa barko, Ella, na iniisip ka kahit inalis mo ako sa isip mo. Bumaba ako sa barko na sobrang saya kasi natupad na 'yung pangarap kong maging ganito pero kapag iniisip kita, nalulungkot ako kasi hindi ka naman naging masaya sa lahat ng sinakripisyo ko. Nakakalungkot na bukod sa pamilya at sarili ko, wala na akong Ella na pag-aalayan ng mga tagumpay ko"
"Bakit? Sino ba kasing nagsabi na inalis kita sa isip ko?"
This time naluluha na ako.
"Sinong nagsabi?! Papatayin ko!" wika ko habang inaalis ang sash na nakasabit sa akin.
"Come home, baby. You don't need to fight for the crown anymore. Your captain came home for his queen. Please, Ella, be my queen ... again"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.