"Nagtatanong na sa akin si Ellaine, Drex. Nagtataka na siya. Nararamdaman na niyang nagbago ka na. Tanong siya ng tanong sa akin. Hindi ko na alam kung anong idadahilan ko. Nabanggit na rin niya na parang may third party na daw sa relasyon niyo. Drex, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kailan mo ba balak aminin sa kanya? Hindi ko na rin masikmura na makitang nasasaktan 'yung bestfriend ko!"
~~~
Gigil kong pinindot ang busina ng sasakyan.
"Bakit ba ang tagal mo?! Kanina pa ako naghihintay sa'yo ah"
"Sorry, mahal. Nagka-urgent meeting lang 'yung group ko sa research" sagot niya na mababakas ang pagkataranta. Ilang segundo rin kaming pinagitnaan ng katahimikan. Pero as usual kapag ganito ang eksena, ayan na naman siya - ang mga titig niyang nakakatunaw."Let's go?" tanong ko.
"No!" malamig niyang sagot.
Papaandarin ko na sana ang sasakyan pero pinigilan niya ako.
"Sabi ko, 'No!' hindi ba? Bakit mo paaandarin?"
Ayan na naman. Tinotopak na naman siya.
"Ano bang problema, Ellaine?!" pagtataas ko nang boses.
"Ikaw, Drex. Nitong nakaraang buwan, mahal, napapansin kong ang bilis uminit ng ulo mo. Kapag tinatanong kita kung anong problema ang lagi mo namang sagot 'wala'. Wala ba 'yon, mahal? Ang cold mo na masyado. Naninigas na ako sa sobra mong lamig. Hindi ka na nga consistent. Nagsasawa ka na nga yata. Tapos nababalitaan kong bumibisyo ka na lately. Ewan ko sa'yo, Drex!"[Ganyan 'yan - nobela ang sagot sa kakarampot kong parirala. Akmang bababa siya ng sasakyan nang pigilan ko rin siya.]
"I love you... " wika ko habang hawak ang braso niya. Ito lang ang alam kong mga salita para mapalambot siya sa mga ganiyong tagpo na beast mode na siya. "I love you, okay? Sorry. Let's go na, mahal" sabay bigay ko ng mahigpit na yakap sa kanya.
~~~
"Wala akong balak na sabihin muna sa kanya, Ara."
"Then let me do it, Drex. Gagawin ko!"
"Stop, Ara! Alam kong alam mong hindi madali sa akin na malaman ito ni Ellaine"
"Eh ano? Hahayaan mo 'yung best friend ko na kiligin lang habang magkasama kayo? Tinatakasan mo kasi 'yung katotohanan na masasaktan mo siya hanggang hindi mo inaamin ang kasinungalingang ito, Drex!"~~~
Pumunta kami ni Ellaine sa paborito naming tapsihan. Dito kami madalas kumakain kapag katapos ng sobrang stress sa school. Naunang bumaba ng sasakyan si Ellaine. Ipinark ko muna ang kotse.
"Nakaorder ka na, mahal?" tanong ko sa kanya nang madatnan kong may kausap siya sa telepono.
Tumango naman siya.
"... Sige. Sure. Kasama ko si Drex ngayon. Yeah, sige. See you!" sabay baba niya ng phone.
"Sinong kausap mo?" usisa ko.
"Si Ara."
"Akala ko lalaki mo"
"Drex!" sabay mulagat niya ng mata sa akin.
"Okay. Fine!" pagsuko ko.
"Pero mahal seryosong usapan, bakit ba sumama ka sa mga barkada ni Kristoff - yung boyfriend ni Ara - sa bar? Nagsumbong sa akin si Ara kahapon. Sabi niya, kasama ka raw nila. Lasing na lasing ka pa nga at kung anu-anong mga sinasabi mo"
"Wala. Gusto ko lang maging wasted"
"Wow. Hindi ikaw 'yung Drex na minahal ko ha. Hindi ka ganyan dati! You even tried smoking raw. Pinanuod pa niya sa akin 'yung video mo na halos hikain ka na sa kakahithit ng sigarilyo"
"That's normal. First time ko eh"
"Pero bakit mo nga sinubukan? Naglilihim ka na sa akin. Parang hindi na kita boyfriend sa ginagawa mo. Even si Tita nagsusumbong sa akin. Gayak na gayak ka raw tuwing Linggo pero hindi ka naman raw pala sa simbahan nagpupunta gaya ng ipinapaalam mo"
"Excuse Ma'am, Sir, nandito na po 'yung order niyo" sabat ng waiter. Buti na lang at nasaktohan ang paghain sa pagkain.
"Please, kumain na lang tayo, mahal"
"Ayan, change topic na naman"~~~~
"Please, Ara, makicooperate ka. Hayaan mo akong ihandle ko ito. Bigyan mo ako ng oras na ihanda ko 'yung magigingbreaksyon ni Ellaine"
"Hanggang kailan mo balak patagalin, Drex?"
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko ... ayaw ko siyang masaktan"
"Pero sa ginagawa natin, hindi malabo na masaktan siya, Drex"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.