"Kung magunaw ang mundo, doon palang ako mamamatay Kris" wika ni Anton
"Sira ka ba, Hon?!"
"Seryoso, doon lang ako mamamatay" pag-uulit niya.
Sabay kurot ko sa kanyang tagiliran."Walang mamamatay, okay? You CANCERvive, hon. Magpapakasal pa tayo kaya dapat mabuhay tayong dalawa!"
Dumistansya ako sa kanya bilang pagtatampo. Nakakainis kasi. Palagi nalang "kung magunaw ang mundo, kung magunaw ang mundo" nalang simasabi niya sa araw-araw.
Alam kong mahirap pinagdadaanan niya lalo na't may cancer siya. Pero bilang fiance niya, lagi kong pinipilit na maging malakas at magpalakas ng loob niya para sabay kaming haharap sa altar.
Maya-maya ay bigla siyang bumanhon at niyakap ako.
"Sorry na, hon. Opo, lalaban ako at mamahalin kita kahit na magunaw pa ang mundo" bulong ni Antoj sa akin.
"Osige na, hon. Aalis na muna ako. Lumalalim na pala ang gabi kaya babalik nalang ako bukas"
"Dito ka na matulog, hon. Gabi na"
"Ssshhh, andito naman si Tita kaya wag kang mag-aalala at babalikan kita bukas. Magpahinga ka na ha?"
Tapos binigyan ko siya ng halik sa noo.
"Hon? Laban lang ha? Mahal na mahal kita" wika ko sa kanya.
"Mamahalin rin kita, hon. Kahit magunaw pa ang mundo"
Sumakay ako ng jeep.
Bumaba sa isang kanto.
Dahil ilang bahay nalang ang daraanan ko, mas pinili ko nalang maglakad sa isang madilim na eskinita.
Habang naglalakad ako, nagtatahulan ang mga aso.
Lumingon-lingon ako sa paligid.
Baka may nasa likuran ko.
Kinabahan ako.
Oo nga. May tao sa likuran ko. Si Kuya Jeff, panganay na kapatid ni Anton.
Kinabukasan.
Nakatanggap ako ng isang text message mula kay Tita, Mama ni Anton.
"Anak, hinahanap ka na ni Anton"
Napangiti ako.
Si Antin talaga, mahal na mahal ako.
Naggayak na ako.
Pagdating ko sa kwarto kung saan siya naka-admit, walang Anton ang nakita ko sa higaan.
Pero nandoon ang lahat ng kanyang kapamilya.
Umiiyak.
Ang lahat ng mata, nakatingin sa akin.
"Wala na si Anton" humahagulgol na sambit ni Tita.
Tinuro ni Tita ang cr ng kwarto. May mga nagkalat na dugo. Hindi pala sa Cancer namatay si Anton, he took his own life.
Bakit?
Iniabot sa akin ni Tita ang cellphone ni Anton.
Ang screen ay nagpapakita ng last conversation nila ni Kuya Jeff.
Kuya Jeff : Bro, si Kris nakita ko na. Malapit na siya sa bahay nila. Nakita na niya ako.
Anton : Mabuti naman. Salamat Kuya sa pagbabantay.
Kuya Jeff : BRO! MAY ANIM NA LALAKI ANG HUMARANG KAY KRIS. MALALAKING TAO SILA. HINDI KO MAILIGTAS SI KRIS DAHIL MAG-ISA KO LANG. TATAWAG NA AKO NG PULIS, BRO. ILILIGTAS KO ANG MAPAPANGASAWA MO.
Anton : Iligtas mo siya. Pakisabi nalang na mahal na mahal ko ang mundo kong 'yan.
Pinagpasa-pasahan ako ng gabing iyon ng anim na lalaki. Walang nakakita maliban kay Kuya Jeff. Kaya pala nagtatahulan ang mga aso dahil may mga demonyong nakabuntot sa akin.
Pinatakbo ko si Kuya Jeff.
Kaso huli na nang dumating ang mga pulis. Nakaraos na sila.
Nababoy na ako.
"Kaya pala nagpakamatay ka, hon. Kasi ako yung mundo na tinutukoy mo. Hindi mo kinaya na magunaw ako at makita na nasasaktan ako. Kaya ka umalis. At iniwan mo ako. Ngayon mag-isa na lang ako, hon. Mag-isa sa binubuo kong bagong mundo. Isang mundo na wala ka. Isang mundo na wala ng tayo"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
ContoKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.