"Dati rati, sabay-sabay kaming gumigising ng umaga para magtanim. Ang gusaling yan? Dating helera ng mga bahayan dito sa Baryo Punla. Lahat yan magsasaka dati" turo ni Lola Paz sa akin.
"Nasaan na po sila ngayon?" tanong ko.
"Nasa UK - nasa ibang bansa. Ang karamihan lumipat na sa urbanisadong lungsod"
Bilang nalang sa daliri ang nakikita kong nakikipagmatigasan sa ilalim ng tirik na araw. Wala pa sa sampu. Hanggang sa kinabukasan ...
"Si Tiyodi, mga kapitbahay!!!!" ang sigaw na iyon ang nagmistulang tilao, hindi ng tandang, ngunit ng isang asawa na pumipiyok sa pagkataranta.
Nakita namin ang katawan ni Mang Tiyodi na nakasabit sa lisang puno, sa bandang kikuran ng bahay nila.
Nagkakagulo na ang lahat ngunit malinaw pa rin sa aking pandinig ang inusal ng lider ng mga magsasaka.
"Unti-unti nang naglalaho ang tagapagpakain ng bansa pagkat ang kinikita ng mga hindi kinikilalang bayaning ito ay kulang pa para matustusan ang sarili nilang buhay" wika niya.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Cerita PendekKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.