"Bakit ba ang pangit pangit mo?"
Napakurap ako sa tanong niyang iyon. Nagtagpo ang kilay at nagusot ang noo ko.
"At sa iyo pa talaga iyan nanggaling Mama ha?" Sabay binigyan ko siya ng aray-ansakit-look.
"Naghihintay lang kasi ako ng lalaki na ipapakilala mo sa akin. Ganoon ka na ba kapangit anak kung bakit hanggang ngayong 20 ka na ay namumuti pa rin ang mata ko sa kakahintay sa magiging nobyo mo?"
Seryoso?
At ang nanay ko pa talaga ang naghihintay?
Hays, sabagay sa pangit kong ito, achievement na ng isang magulang ang makatagpo ang mukhang binomba niyang anak ng taong nakatadhana sa kanya.
"Pwede 'wag magmadali Ma? Kung may ipapakilala ako sa inyo ang gusto ko siya na ang una't huli. At saka hello? Sa ganda kong 'to aba! Kailangang magpaka-choosy ako 'no?"
Hindi ko alam kung basher ko ba talaga 'tong nanay ko.
Matapos kong magsalita, ayun! Tinapunan lang niya ako ng weh-dinga-totoo-ba-look.
"Oh siya! Aalis na po ako"
Uwian na.
As usual, maghihintay na naman ako ng aking sundo sa waiting shed.
Mausok at maingay ang paligid. Paano ba naman, isang hakbang lang ay national road na.
Sa aking paghihintay, sumagi sa isip ko ang usapan namin ni Mama.
NBSB nga ako.
Certified choosy.
Gusto ko tall, white and handsome, may pangarap, nag-aaral at syempre sweet.Pero sa ideal man na hinahanap ko, for surr hindi ako ang ideal girl nila.
Kabaligtaran ng pangalan ko ang itsura ko.
Ako si Charming.
Apartment ng pimples, ilong ay palapa, maputi mala Anne Curtis ngunit malaking bunganga lang ang nakuha ko.
"Bakit kasi ang pangit pangit -"
"PSSST! PSSST! WITWIW MISS BEAUTIFUL!"
Pucha. Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"PAMBIHIRA! HOY KUYANG MATOTOKHANG! AMPANGIT PANGIT MONG LALAKI KA NA NASA LIKURAN NG TRUCK! ANG KAPAL NG MUKHA MONG KINDATAN AKO. NAKAKASUKA PAGMUMUKHA MO OY! SAMA MO! HINDI IKAW YUNG TYPE KO ULUL!"
Napatigil ang pagmumunu muni ko ng biglang bwisitin ako nung lalaking nasa likuran ng dumaan ng truck na may plakang WTF143.
Aba! Kala mo kegwapo. Fit lang ang katawan pero swangit siya! Nakahubad kala mo yummy? Sana magkapulmunya siya!!!
Kinalma ko sarili ko mula sa inip.
Pero infairness, yung lalaking nasa truck nalang ang nakakaappreciate ng kagandahan ko HAHAAAAHAH ENOUGH CHARMING!Maulan.
5:00 pm na ngunit wala pa rin ang sundo ko. Habang nakatingin sa daan, sinahod ko ang kamay ko at dinama ang patak ng ulan.
W-T-F-1-4-3
Kinurap kurap ko ang mata ko upang masiguro na hindi guni-guni ang nakikita ko.
WTF143?!!!! Di pa man nakakalapit, nandilim na agad paningin ko ng makita ko ang plaka ng paparating na truck.
"Wag ma stress Charming. Talikod nalang bes" tumalikod ako at nagsawalang bahala.
Hihintayin ko nalang na makalampas yung truck at for sure, may mga asungot na naman sa likuran noon.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Cerita PendekKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.