"Inay? Sa Linggo na ang kaarawan ko. 18 na akk at magiging dalaga na ako" nakangiting wika ni Nena sa akin.
"Nais ko sana Ina na sumayaw sa gabing iyon habang tumutugtog ang mga musikero sa isang sulok. Pagkatapos ay isasayaw ako nila Ama at Kuya Nong kasama ang mga kaeskwela ko" dagdag niya habang animo'y sumasayaw ng waltz.
"Tapos meroong 18 roses, Ina. Tsaka 18 candles na naritinig ko sa mga kaklase kong nagdebut. Ina, gusto ko iyonnnnnn"
"Mayroong pa ngang 18 Blue Bills, Ina. Kung iisipin mo iyon, magkakaroon agad ako ng labing walong libo para sa panimula ng susunod na kabanata ng buhay ko" halos mapatili siya habang iniisip ang mga bagay na iyon.
"Nakooo, Nena, maghunos dili ka at baka ikaw ay mabinat pa sa iyong mga iniisip. Magpahinga ka na hala pagkatapos mong kumain. Magpagaling ka" sabay abot ko sa kanya ng platong may laman na kanin kung saan tanging toyo't mantika lang ang nagbibigay lasa dito. "Kain na, anak"
Sabado.
"Anak, maligayang kaarawan. Natupad na ang kahilingan mo" nangingiyak na sambit ni Aling Dores habang yakao yakap ang anak.
"May 18 roses ka na, 18 candles, 18 blue bills at mga musikero"
"Kaso anak, ang mga bulaklak mo nakalagay sa mga kawayan. Nakaayos sila at sinabitan ng laso. Higit pa nga sa labing walo ang mga bulaklak, iba-iba ang kulay. Siguro akong matutuwa ka. Dala nga pala iyon ni Mayor, anak"
"Dahil maraming nagmamahal sa'yo, anak, higit pa sa labing walo ang kandila mo ngayon. May nakalagay sa labas, sa loob at sa paligid mo para higit na masiyahan ka sa nakikita mo"
"Nena, higit labing walong libong piso na ang nandito. Diba gusto mo ng 18 blue bills? Hanggang ngayon, nadadagdagan pa ang regalo sa'yo. Tignan mo anak, nakapila sila at talagang pumipirma pa sa isang sulatan"
"May musikero din dito anak. Tumutugtog sila ng live. Nagdonate ang munisipyo para sa iyo, kasi ganoon ka nila kamahal"
"Debut mo na anak. Siguradong masaya ka na sa nakikita mo dahil sa wakas natupad na ang kahilingan mo. Kaso malungkot ang nanay, anak. Kasi iniwan mo na ako. Sabay nating tutuparin yung pangarap mo diba? Kaso hindi na kinaya ng katawan mo ang dengue. Kaya tutuparin ko nalang mag-isa ang pangarap ko sa iyo" wika ng Ina habang yakap-yakap ang kabaong ng anak.
Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.