Tunaw Na Sorbetes

119 16 2
                                    

Maghanapbuhay ka sa marangal na paraan, huhusgahan ka pa rin ng lipunan.

"Kuliling kuliling"

Tanging ang ingay nalang ng maliit na bell ang bumabasag sa katahimikan habang tinutulak ko ang kariton kung saan nakaupo ang aking mga panindang sorbetes.

Dirty Ice Cream raw. Marumi kaya't wag tangkilikin.

Ngunit hindi alam ng mga tao kung gaano namin pinaghirapan ang paggagayak nito.

Wala kaming magarang lagayan ngunit isang malinis at masarap naman ang dala namin.

Isang araw, sa kabila ng paghalik ng nakasusunog na sikat ng araw ay hindi pa rin nito natinag ang nais kong kumita sa araw na ito.

"Pabili! Pabili!"

Sabay na sigaw ng dalawang bata na natatanaw kong patakbo papalapit sa akin nang mapadaan ako sa Kalye Apolloño.

"Kambal kayo?" tanong ko sa kanila.

"Opo" sabag nilang sagot.

lan?" nakangiting tanong ko dahil sa wakas ay may buena mano na ako.

"Ako po si Chacha" wika ng mas maputing bata.

"Ako naman po si Cheche" dugtong naman medyo kayumangging bata.

"At 4 years old na po kami" sabay nilang sagot.

Ang cute nila.

"Ilan ang bibilhin niyo mga baet?"

Nakangiti kong tanong dahil sa wakas ay may buena mano ako.

"Yung halagang bente pesos lang daw po sabi ni Mami" wika ni Chacha.

Nang maibigay ko sa kanila ang binili nila, dali-dali silang nagtatakbo pabalik ng bahay nila pero bago pa man sila nakapasok sa bahay nila, nakita ko na itinapon nila ang sorbetes sa basurahan.

Bakit kaya?

Kinabukasan, naulit muli ang senaryo. Bumili sila sa akin ng sorbetes sa halagang bente pesos.

Pero labis talaga akong nagtataka kung bakit itinatapon nila ito gayong mababakas naman sa mukha nila Chacha at Cheche na gustong gusto nila ang sorbetes.

Minsan, napadaan ulit ako sa Kalye Apolloño.

Pero sa pagkakataon na ito, hindi ko pinansin ang pagtawag ng kambal sa akin para bumili.

"Kuya! Kuya! Bibili kami ni Cheche" pagpapapansin ni Chacha

"Bakit pa bibili itong mga batang ito? Nag-aaksaya lang sila dahil tinatapon nila" bulong ko sa sarili.

"Kuyaaaaaa" sigaw ni Cheche
Huminto ako at nakita ko na lumapit sila sa akin.

"Kuya, pabili ulit" Inabot nila sa akin ang isang bente pesos.

"Wag na wag na kayong bumili sa akin mga bata! Hindi ko kailangan iyang bente ninyo kung ipinapamukha niyo sa akin na hindi masarao ang paninda ko!"

Binawi nila ang pagkakaabot ng pera at bahagyang namula ang mga mata nila.

"Naiintindihan niyo ba ako? Umalis na kayo! At hindi ko kailangan ang pera niyo"

Biglang umiyak si Chacha na agad namang niyakap ni Cheche at nagtatakbo na sila palayo sa akin.

Isang linggo na ang lumipas, hindi ako dumaan muli sa Kalye Apolloño.

Iniwasan kong makita ang kambal dahil alam kong medyo napagsalitaan ko sila nung nakaaraang linggo.

Medyo nalulugi na kasi ang aking negosyo at inaamin kong sa kanila ko naibuntong ang kamalasang nangyari sa buhay ko.

Naisipan kong bumalik sa Kalye Apolloño.

Pero hindi gaya ng dati, wala ang mga batang makukulit.

Sinadya ko na dumaan sa bahay nila ngunit wala akong nadatnan maliban sa isang tarpaulin kung saan nakalagay ang larawan nila at ang petsa kung kailan namatay ang kambal.

Halos nanlalambot akong naglalakad sa loob dala ang bell na maliit.

May mga tao, at sa loob nito ay dalawang ataol.

Pumatak ang luha ko dahil sa kung anong kumurot dito sa puso ko.

"Ikaw ba yung Mamang Sorbetero na palaging inaabangan nila Chacha at Cheche?" tanong ng isang ginang na namamaga ang mga maa habang nakatingin sa dala kong bell.

Tumango ako.

"Ang tagal ka nilang hinihintay. Araw-araw nag-aabang ang kambal ko sa iyo dahil nalulungkot sila na baka wala pang bumili sa'yo. Kaya nga kahit bawal sa kanila, hinahayaan ko lang na bumili sila basta wag lang nilang kakainin"

"Ano pong ibig sabihin niyo?"

"Ako ang Mami nila, bata palang silanadiagnosed na sila na mataas ang sugar level. Diabetic sila. Kaya nga kahit gustong gusto nilang kainin ang sorbetes, tinatapon nalang nila sa basurahan" dagdag ng Ina ng kambal.

Naalala ko ang huling araw na nakita ko sila.

Hinusgahan ko sila dahil sa ginawa nila kahit wala akong sapat na pang-unawa kung bakit ginawa nila iyon.

"Ngyon, ano ang pagkakaiba ko sa mga taong hinuhusgahan ako kung ang sarili ko nga ay hinayaan kong husgahan ang ibang tao?"

Click the ⭐ button

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon