Mahigpit niyang hawak ang bewang ko. Ang balikat naman niya ang nagsilbing sandalan ko. Habang yumayapos ang malamig na hangin sa aming dalawa, malaya naming pinagmasdan ang napakagandang tanawin dito sa Tagaytay.
"Naniniwala ka ba sa reincarnation? Na tayong lahat ay may buhay na dati pa pero sa ibang katawan?" Tinitigan ko siya.
"Parang naniniwala na ako."
"Naniniwala ka na? Bakit? Hindi ka ba niniwala dati?"
Tumango siya. "Dati, iniisip kong kalokohan ang ideya na 'yon. Kasi bakit may reincarnation? Dpes it means my unlimited na buhay tayo?"Pinakinggan ko lang siya. Pero sa pagkakataong ito ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Pero nang nakilala kita, sabi ko, baka nga totoo 'yon. Kasi naisip ko lang, baka sa past lives natin dati tayong nagmamahalan na pinaglayo ng tadhana. Tapos muling hinabi ng panahon ang kapalaran natin kaya nagdugtong muli ang landas nating pareho."
"Oh, mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyong dalawa diyan." Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak sa kamay niya nang biglang marinig ang boses ni Mama.
"He-heto po kasing si Kuya, Ma, nagdadrama na naman sa akin." palusot kong itinapal ko sa lihim na namamagitan sa amin ...
... ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.