"What the -"
Pagkabukas ko ng pinto, nagtawanan ang lahat. Parang mga demonyo sa impyerno ang halakhakan ng makita nila na isang tao na naman ang nabiktima ng Monyo Boys sa pangunguna ng lider nilang si Lester the Lucifer.
"Deym! Grabeeee, Clara anong nangyari sa'yo?" pag-aalalang sigaw ni Dimples nang nakita niya akong basang basa.
"Binuksan ko lang naman yung PINTO pero hindi ko alam na may timba pala sa taas" salaysay ko habang pinupunasan ang sarili ko.
"Good job, boys!" usal ni Lester habang inaapiran ang apat pa nitong kasamahan.
"Ang ganda mo sa look na 'yan" wika ni Lester
"Di naman sa pagmamayabang pero nung nakita kita?" lumapit siya sa akin.
"Parang gusto ko nalang magpari WAAHAHAHAHAHAH"
Sabay nag-alisan sila kasama ang ma alipores niya.
"Talagang walang sinasanto 'yang Lester na iyan ah, pati pari dinamay niya" napailing na sambit ni Dimples."Paano naging negative iyan?" Tanong ni Dimples habang nakatingin sa papel ko. Nandito kami sa isang bench, gumagawa ng assignment sa Math.
"Ganito lang iyan Dim-"
"Tama! Ganito lang iyan!"
Napatigil kami nang may biglang umapak sa notebook na sinusulatan ko. Napatingin kami sa sigang ito, hindi nga ako nagkamali at si Lester nga ito.
"HOY! LALAKING WALANG PUSO, AYUS NA YUNG BWISITIN AKO E, WAG MO LANG SANANG IDAMAY YUNG MGA INVOLVED SA PANGARAP KO!"
"Clara, tara na. Umalis na tayo" pagbabawal ni Dimples.
"HINDI DIMPLES! AKALA MO KASI KUNG SINONG TAO ITO EH!"
"Bakit? Sino ba ako?" ani Lester habang nilalapit niya ang mukha niya sa mukha. Napaatras ako sa ginawa niya.
"Ikaw lang naman si LESTER NA ANAK NI LUCIFER! PWEEE" sabay sampal sa kanya.
Tinalikuran ko na siya pero biglang hinatak ang braso ko. Pinandilatan niya ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maipakita sa'yo ng wala sa oras ang impyerno kahit na buhay ka pa" diin niya at binitawan niya na ako.Nagwalk-out siya.
"Ang kapal din ng muka 'no? Siya pa ang may ganang magwalk-out e siya na nga itong nanggulo" wika ko habang titinitignan lang siya palayo.
"Nabad shot yata sa sinabi mo, Sis. Ang bayani kasi ng galawan mo kanina. Lakas maka-Gabriela!" Sabay natawa nalang kami ni Dimples at napaapir sa isa't isa.Matapos ang pangyayaring iyon, ang kalbaryo ko ay hindi na naulit. Tumahimik ang kuya niyo at saka nabawas-bawasan ang involvement sa gulo. Kapag nagkakasalubong kami, ako nalang ang nagtataray at hindi na siya. Himala. Isa talagang milagro ang bumaba sa lupa para manahimik siya.
Isang gabi, habang nagawa ako ng journal ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Dimples.
"Sisssss!!!!!" sigaw niya sa kabilang linya na aging dahilan ng pagkakaba ko.
"Anoooo? Makasigaw ka naman jan"
"Shit! Alam ko na kung bakit hindi ka na ginugulo ni Lester"
"Bakit?" Tanong ko.
"Nasaktan siya sa sinabi mo!"
"Bakit naman siya masasaktan? Masakit na ba yung 'wala kang puso'? Kung tutuusin, wala pa nga iyon sa mga pinaggagagawa niya"
"Hindi iyon! Nalaman mo na ba yung balita about sa kanya?"
Kumabog yung dibdib ko.
"Ano iyun?" Tanong ko.
"Kagabi kasi nasa bar si Lester, ayun sa mga nakakita lasing na lasing daw ito at nagwawala sa bar"
"Ha? Bakit naman? Napakabasagulero talaga"
"Hindi sa ganoon, naglabas daw kasi ito ng sama ng loob. Simula pagkabata niya, hindi na pala niya nakita ang ama niya. Pero nitong nakaraang buwan, unang beses niyang nakita ang ama niya kaso sa isang malamig ng bangkay. Clara, he is still suffering from his past. Kaya pleaseeee, magsorry ka na"[End of Call]
Halos nabasag ang puso ko sa rebelasyong iyon ni Dimples. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at dali-dali kong kinuha ang selpon ko para i-message siya sa peysbuk. Kaso naalala ko, use data to see photos nga pala ako.
"Hays, okay lang 'yan Clara. Hindi mo naman siya i-stalk"
Then afterwards, napansin ko yung isang notification ko "Lester Palao tagged you in a post"
"What the? Ano ito?"
Pagkakita ko sa post, may picture na kasama pero hindi ko makita kasi wala akong load. Pero meroon na itong 536 reactions in just 50 minutes. 70% Haha Reactions at 39% Angry Reactions. Yung mga comment puro panglalait sakin.
"Panigurado, isang meme na naman ang ginawa niya sa akin"
Kaya imbis na magsorry ako, BINLOCKED KO! Nawalan ako ng amor na magsorry.Kinabukasan.
Papasok na ako sa room namin ng makita kong nandoon si Lester sa pinto. May hinihintay yata.
"Ah eh, oo nga pala! Natatae ako. Nakalimutan ko" sabay liko ko sa kanan.
"Nasa kaliwa yung CR, Clara"
Napapihit ako ng sinabi niya.
"Heheh salamat"
"Sandali!" pagpigil niya sa akin.
"B-bakit?"
"Humarap ka sa akin" utos niya.
Humarap ako pero nakaiwas ang tingin ko sa kanya.
"Binlocked mo ako, tama ba?"
Tumango ako.
"Bakit?" tanong niya.
Nanlalamig ako sa kaba dahil ang seryoso ng boses niya.
"Wala akong time sa mga pang-aalaska mo, Lester"
"Ha?"
"Hindi ba? May tinag kang picture saakin. Ginawa mo na naman akong meme para may pagtawanan ka. At para may pagtawanan kayo ng grupo mo"
"Hahah. Ang judgemental mo naman, una yung tatay ko hinusgahan mo pagkatapos ngayon, pati feelings ko jinudge mo rin" wika niya sabay talikod niya sa akin.
"Sandali Lester!" pigil ko. "Anong feeling sinasabi mo?"
Dahan-dahan niyang kinuha ang selpon niya at pinunta ito sa post na itinag niya sa akin.
"Oh!" tapos tinapat niya sa mukha ko iyon.Halos takasan ako ng makita ang laman ng larawan. Puro stolen shots ko nung binubully niya ako at mga nakakatawang mukha ko kapag natutulala ako. Tapos hindi ko napansin na may caption pala ito.
"I will never get tired of bullying you if making you a monster is the only way for you to notice me""Minsan gamit gamit rin kasi ng load para makita mo yung picture. Tsaka gamitin mo rin sana yang isip mo para maintindihan mo na yung pangbibwisit ko sa'yo ay paraan ng pagpapapansin ko. Mahal kasi kita, Clara. Kaso manhid ka"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Truyện NgắnKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.