Disclaimer;
This is a work of fiction, names, places and events are either the product of author's imagination or use in fictitious manners. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual event is purely coincidental.
Alieson PoVNakaupo lang ako sa upuan na nasa balcony habang hinihintay ang pag-lubog ng araw nang makarinig ako ng kanta.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday Ali," rinig kong kanta ni Nanay kasama sila ate Sabeth.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakangiting sinalubong sila.
"Happy birthday Ali, mag- wish ka na," ngiting sabi nito sa'kin.
Sinunod ko si Nanay at marahan kong ipinikit ang mga mata para mag-wish, sa totoo lang kung may hihilingin man ako ngayong birthday ko 'yon ay sana makapag-celebrate ako ng birthday na buo ang pamilya ko.
Hindi ko naman maiwasan maging malungkot ng sumagi sa isip ang gusto kong kahilingan, ilang beses ko ng winish 'yan tuwing birthday ko pero hanggang ngayon hindi parin natutupad. Hays!
Iminulat ko na ang mga mata saka hinipan ang kandila, 20th birthday ko ngayon, pero parang 'di ko ata ramdam 'yun.
"Birthday mo ngayon, hindi ba dapat masaya ka," ani ni Nanay.
"Nay, matagal na po akong hindi nagcecelebrate ng birthday. Mapilit lang talaga kayo." Natatawa kong sabi.
"Naku bata ka! Nandito man ang parents mo o wala magcelebrate ka padin kasi 'yang birthday na 'yan anak, isang beses lang 'yan sa isang taon."
Ngumiti ako ng peke na hinarap si Nanay.
"Nay, aanhin ko ' yang birthday na 'yan. Kong 'di naman buo ang pamilya ko."
Simula nong 7 years old ako, hindi ko na nakakasama ang parents ko sa pagcecelebrate ng birthday, always silang busy sa pag- aasikaso ng kompanya at pati ako 'di na nila nabibigyan ng oras. Pakiramdam ko tuloy kinalimutan na nila ako.
Kung ' di siguro dahil kay Nanay, baka lumaki akong rebelde at tanging bar ang magsisilbi kong tahanan. Nanay ang tawag ko sa kaniya, dahil siya ang nag-alaga sa'kin simula pagkabata. Tuwing nagkakasakit ako siya ang nandiyan, kapag may family program naman sa school siya ang umaattend imbis na mga magulang ko.
"Anak, kahit ano man ang problema, pagsubok at kalungkutan na dumating sa buhay na'tin. Lagi mo paring piliin na maging masaya," payo nito.
Niyakap ko ng mahigpit si Nanay, hindi ko alam kong saan ako lalapit o sino ang masasandalan sa kabila ng lungkot na lagi kong nararamdaman. Pero nagpapasalamat pa 'din ako kasi laging nandiyan si Nanay para sa akin.
***
It's already 10 o'clock nang makauwi kami ng mansiyon nina ate Sabeth at ni Kuya Lito ang driver namin. Tahimik lang ang buong mansiyon at halatang 'di pa nakakauwi ang parents ko, siguro nga dapat ko na lang tanggapin na kinalimutan na nila ako, kasi kahit mismo birthday ko hindi nila maalala.
"Ate Sabeth, magpapahinga na po ako," paalam ko sa kaniya.
"Oo sige Iha, liligpitin ko lang 'tong mga pagkain at magpapahinga na rin ako," sagot nito.
Umakyat na ako ng hagdan papuntang kwarto para makapagpahinga na. Nang makarating ako ng kwarto ay agad kong sinipat ang cellphone na nasa bulsa ko, kahit birthday message mula sa parents ko wala, gano'n ba talaga ka importante 'yang company na 'yan at pati ako inabandona na nila.
Huminga muna ako ng malalim saka ako nagdesisyong pumasok ng banyo para maghalf bath, pagkatapos no'n ay nagbihis na ako ng pampatulog at komportableng humiga sa kama.
Kinaumagahan, maaga ako nagising dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinuha ko ang cellphone na nasa taas ng side table para tingnan kong merong message sila Mommy sa'kin, pero nadismaya lang ako kasi wala. Buong araw kahapon naghintay ako na batiin nila ng happy birthday kahit through message lang man pero wala talaga, kinalimutan na ata nila ako.
Bumangon na ako ng kama saka pumasok ng banyo para maghilamos, kasunod no'n ay bumababa na ako para kumain.
"Goodmorning ate Sabeth," bati ko sa kaniya nang makarating ako ng dining.
"Goodmorning din iha, ipinagluto kita ng paborito mong sinangag na kanin saka pritong itlog, kumain ka na," nakangiti nitong wika.
Ngumiti ako kay ate Sabeth bilang tugon at saka ako nagsalin ng kanin sa plato at kumuha ng ulam para makakain na, kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko sa gutom lalo na't 'di ako nakapaghapunan kagabi.
"Ate Sabeth, sila Mommy at Daddy po ba umuwi kagabi?" Malumanay kung tanong.
Malungkot ang mukhang tiningnan ako ni ate Sabeth sabay iling.
"Mukhang nakalimutan na ata talaga ako ng parents ko."
Pilit akong tumawa kahit sa loob-loob ko gusto ko ng umiyak, nagpatuloy na lang ako sa pagkain at 'di na pinansin ang pagtulo ng mga luha ko.
Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako sa kinauupuan ng may biglang nagdoorbell, 'di ko na hinintay si ate Sabeth ang magbukas dahil ako na mismo ang nagkusa. Naglakad ako papuntang pinto para tingnan kong sino 'yung nagdoorbell, nang ganap ko ng buksan ang pinto ay bigla akong nagulat sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...