Chapter 15

324 3 0
                                        

Pabagsak akong napaupo sa upuan habang hawak-hawak ang naninikip kong dibdib. Hirap na hirap na akong huminga, pakiramdam ko para na akong mamatay ngayon!

"Alieson, anong nangyayari sayo iha?" Nag-aalalang tanong ni Manang.

Nagtataka ang mukhang nakatingin sa'kin ni Sir Yaji, bago nito binaling ang tingin sa palangganang nabasag.

"Manang, nahihirapan po akong huminga," namamaos kong sambit.

Bigla naman akong nagulat ng bigla akong buhatin ni Sir Yaji.

"Manang, open the gate. I need to take her in the hospital!" Maawtoridad nitong utos.

Nasa loob na kami ng sasakyan at si Sir Yaji ang nagmamaneho para dalhin ako sa hospital, mabilis ang patakbo nito kaya hindi ko naman mapigilan ang sarili na makaramdam ng takot.

"Sir matagal pa po ba tayo?" Nahihirapan kong tanong.

"I don't know, but just hold on! Don't close your eyes, Alieson."

Natameme naman ako sa binanggit nito, ito ang unang beses na tinawag niya ang pangalan ko. Wala sa sariling napatingin ako kay Sir Yaji, pakiramdam ko biglang huminto ang oras ng makita ko ang seryoso nitong mukha habang nagmamaneho. Kasunod no'n ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang tambol, anong nangyayari sa'kin?

Nang matauhan ay agad akong umiwas ng tingin at ramdam ko na din na hindi ko na kaya.

"Sir, hindi ko na kaya!" Habang hawak-hawak dibdib ko, sobra ng naninikip banda doon at kahit konting hangin ay wala na akong malanghap pa.

Itinabi ni Sir Yaji ang sasakyan sa gilid ng kalsada at seryoso ako nitong tiningnan, ilang beses kong nakita ang pababa-taas ng adams apple nito na para bang minsan ko na itong nakita.

"I hope you don't mind Alieson, but I have no choice."

Nagtaka naman ako sa winika ni Sir Yaji, magsasalita pa sana ako ng bigla ako nitong halikan.

***
" Will she be okay Doc?" Tanong nito.

"She's okay now Mr. Figueroa, kailangan niya lang ng konting pahinga at pwede na siyang makalabas."  Tugon naman ni Doc.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga at bumungad sa'kin ang puting kisame. Matapos kasi akon- wait, nanaginip ba ako? Hinalikan ako ni Sir Yaji?

"You're awake," mahinahon nitong sabi.

Binalingan ko ng tingin si Sir Yaji, hanggang sa napako ang tingin ko sa mapupula nitong labi, dahilan para bumilis na naman ng tibok ng puso ko. Sh*t, ano bang nangyayari sakin?

" Naninikip pa ba ang dibdib mo? Or do you feel something?" Sunod-sunod niyang tanong.

Bumangon ako sa kama at agad naman ako nitong inalalayan, concern ba si Sir sa'kin ngayon? Hindi naman kasi mangyayari to, kong hindi niya ako pinakain ng hipon eh, at mali ko din dahil sa kagustuhan kong h'wag matanggal sa trabaho, e ito pa ang napala ko. Bw*sit!

"Okay na po ako Sir, maraming salamat po," nakangiti kong sagot.

Tumango ito sa'kin bilang sagot saka biglang umiwas ng tingin, pakiramdam ko mukhang naging akward ata ang sitwasyon namin ngayon.

"By the way, I'm sorry sa ginawa ko kanina. Gusto ko lang mabigyan ka ng hangin at gano'n ang naiisip kong paraan."

Ang tinutukoy ba niya is 'yong kiss namin kanina? Hindi ko alam kong anong isasagot ko, basta bigla ko na lang naramdaman na parang may mga nagsisiliparan na paro-paro sa tiyan ko. Ang weird ko ata ngayon ha!

" Ayus lang po Sir, kasi kong 'di po dahil doon. Baka hindi na po ako nakaabot ng hospital," pag-sang-ayon ko, pero hindi ibig sabihin na sumang-ayon ako sa halik na 'yon.

Pasado ala-una na ng madaling ng magdesisyon kaming umuwi, ayaw ko na kasi magtagal sa hospital lalo na't baka tumaas lang ang bill kahit na hindi naman ako ang magbabayad.

Tahimik lang ang buong byahe at wala kaming imikan ni Sir Yaji, dahil lang sa  unexpected kiss na 'yon ay biglang naging akward na ang lahat.

"May allergy ka pala sa hipon, pero nagawa mo pa 'yong kainin." Pambabasag nito ng katahimikan.

" Gaya nga ng sabi niyo, I have to take my punishment kaya kinain ko 'yon kahit na alam kong ikakamatay ko. Pero kailangan ko ng trabaho, Sir."

"So, you risk your own life?"  Diretsa nitong sabi.

"Meron po akong dahilan kong bakit kailangan ko po ng trabahong ito, at kong kayo po ang nasa sitwasyon ko, maiintindihan niyo po ako."

Malungkot ako habang sinasabi iyon kay Sir Yaji, kahit buhay ko pa ang maging kapalit handa akong itaya. Mahanap ko lang ang mga parents ko.

"But next time, don't do it again."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon