Chapter 39

137 2 0
                                    

"Sir Yaji, ano ba!" Sigaw ko.

Sinubukan kong magpumiglas pero sobrang higpit ang hawak nito sa magkabila kong kamay, pakiramdam ko ibang Yaji ang taong to.

Masakit ang bawat halik nito sa akin, puno iyon ng pagnanasa at masyado itong agresibo. Napaiyak na lang ako ng maglakbay ang mga halik nito papunta sa leeg ko.

"Sir Yaji, H'wag! Maawa ka sa'kin!" Umiiyak kong sabi.

Natigilan ito na tila ba hindi  makapaniwala sa mga ikinikilos niya ngayon, umalis ito sa ibabaw ko habang patuloy naman ako sa pag-iyak.

"Get out!" Mahinahon pero matigas nitong sambit.

Hindi na ako nagdalawang isip na bumangon at bumababa ng kama, nang makalapit na sa pinto ay agad kong pinihit ang doorknob pero laking gulat ko ng mapagtantong nakalock ito.

Nabuhay ang takot sa dibdib ko sa kong anong  pwedeng gawin sa akin ni Sir Yaji kaya naman ay malakas kong kinatok ang pinto, nagbabakasaling may makarinig sa akin at para na tuluyan na din akong makalabas.

"May tao ba diyan? Tulong! Buksan niyo tong pinto!" Sigaw ko.

Paulit-ulit akong sumisigaw pero mukhang walang nakarinig sa akin.

"Get out! Habang nakokontrol ko pa ang sarili ko!" Muli nitong sambit.

Kakaiba si Yaji ngayon at hindi ko alam kong bakit nagkakaganito siya, hanggang sa sumagi na lang sa isipan ko ang usapan nila Paolo at Beatrice. Posible kayang tinuloy nila 'yon?

Umiling ako at naghanap ng paraan kong paano makakalabas ng kwarto pero laking gulat ko ng buhatin ako ni Yaji at ibinaksak sa kama. Sa sobrang lakas ng pag bagsak niya sa akin ay napaubo pa ako.

Unti-unting tinanggal ni Yaji ang butones ng polo nito, puno ng pagnanasa ang mga mata niya at ibang-iba ang Yaji na nasa harap ko ngayon.

"I'm sorry!"

Iyon lang ang mga salitang sinabi nito bago niya ako galawin, habang may nangyayari sa amin ay patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko, hindi ko matanggap na sa dami ng taong pwedeng gumawa sa akin nito ay si Sir Yaji pa.

Ang isang beses na pangyayari ay nasundan pa ng ilang beses hanggang sa matapos ang pagnanasa niya, iyak lang ako ng iyak habang nababalot ng kumot ang hubad kong katawan.

Kinaumagahan ay wala ako sa sariling bumaba ng kama at pinulot ang mga nakakalat kong damit sa sahig, binalingan ko ng tingin si Yaji na ngayun ay nahihimbing sa pagtulog.

Hindi ko man nakikita pero ramdam ko ang pamamaga ng dalawa kong mata, sa tuwing naiisip ko ang nangyari kagabi ay napapaiyak na lang ako. Nang matapos ko ng bihisan ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto at sa pagkakataong iyon ay bukas na ang pinto, saka naman bumungad sa akin si Paolo.

Nanlaki ang mga mata nito ng makita akong lumabas ng kwarto ni Yaji at mukhang hindi ako ang taong ineexpect niiyang makita.

"Alieson?" Gulat nitong sambit.

Palinga-linga pa ito sa likuran ko nagbabakasakaling nasa likod ko ang taong hinahanap niya.

"Where is Beatrice? At bakit nasa kwarto ka ni Yaji?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Bukod sa akin at kay Yaji, wala ng ibang tao sa kwarto niya." Walang gana kong sagot.

Umiiling ito na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko.

"That's not true!"

Naglakad ito para silipin ang kwarto ni Yaji kong nandon ba si Beatrice, tama nga ako tinuloy nila ang plano nila kay Yaji. Pero ang sakit lang dahil ako ang ginalaw ni Yaji at hindi si Beatrice, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nangyari ang bagay na 'yon.

"Wala dito si Beatrice, ibig sabihin ba nito..."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla nitong hilahin ang braso ko.

"Ginalaw ka ba ni Yaji?" Matigas nitong sambit.

Hindi ako agad nakasagot at nanatiling tahimik.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Beatrice kagabi, paano mo nagaw-"

"Just answer my f*cking question, Alieson! Ginalaw ka ba ni Yaji?"

Nabigla naman ako ng biglang tumaas ang boses ni Pao, sa pagkakataong iyon ay muling namuo ang mga luha sa mga mata ko bago ito tuluyang bumagsak. Iyak lang ako ng iyak at dahang-dahang tumango.

"D*mn it!" Sigaw niya.

Sinuntok nito ng paulit-ulit ang pader dahilan para dumugo ang kamay niya,  ramdam ko ang pagsisi nito pero huli na.

"Come with me."

Hinila ako ni Pao palabas ng mansiyon, wala namang nakakita sa amin lalo na't tulog pa ang lahat at pagod sila sa party na ginanap kagabi.

Dinala ako ni Pao sa Manila Bay para makalimot sa kong ano man ang  nangyari sa amin ni Yaji kagabi, mayroon din akong kasalanan hinayaan ko siya kaya nangyari ang isang bagay na hindi naman dapat mangyari.

"I'm sorry, Alieson. This is all my fault, kong hindi sana ako sumang-ayon sa kagustuhan ni Beatrice hindi mangyayari lahat ng ito."

Hindi ko alam kong anong isasagot ko kay Pao, kaya naman ay nanatili na lang akong tahimik.

"I have no choice, i love her at kahit ano gagawin ko para lang sa ikakasaya niy-"

" Kahit hindi na tama, Pao? Agad kong dugtong.

Iba talaga nagagawa ng isang pagmamahal, pero ramdam ko na nasasaktan din si Paolo. Alam ko kong gaano niya kamahal si Beatrice pero masakit para sa kaniya ang tulong na hiningi ng kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya.

"Sorry, Alieson. Kahit sino naman ayaw makitang malungkot ang taong mahal niya, at kahit naman ikaw... Nasasaktan ka dahil ikakasal na si Yaji sa iba."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon