Chapter 56

206 2 0
                                    

Kinagabihan, tahimik akong  nagtutupi ng mga labahan habang si Ceejay naman ay tulog na tulog na. Pagka-uwi kasi namin kanina galing sa hospital ay  nakipag-laro ito sa mga pamangkin ni Mica kaya naman ngayun ay mahimbing na ang tulog kahit wala pang half bath.

Nasa hospital pa ngayun si Ate Sabeth at si Mang Domeng ang nagbabantay sa kaniya, babalik naman ako doon kinabukasan para maghatid ng kanilang pagkain.

Alas-otso pa lang ng gabi at hindi pa ako inaantok, kaya naisipan ko munang magcellphone. Napangiti na lang ako ng makita ang madaming picture ni Ceejay sa gallery ko, nakabungisngis pa ito at may peace sign pang nalalaman.

Sa lahat ng mga litrato nito ay naging agaw pansin sa akin ang video niya. Nong una hindi niya pa alam kong nakavideo ba 'yun o hindi hanggang sa umayos ito ng upo saka biglang kumaway at ngumiti.

"Hi, Papa. Ako po to si Ceejay. Alam niyo po ba Papa, gusto ko na po kayong makita kasi miss na miss ko na kayo. Gusto ko nga pong pumunta ng Manila para hanapin kayo kasama si Tito Paolo, kaso po ayaw naman ni Mama. Pero h'wag po kayong mag-alala sa amin ni Mama, Papa. Big boy na po si Ceejay at kapag may aaway po kay Mama, ako po ang poprotekta sa kaniya." Inosenteng nitong sambit.

Hindi napigilan manubig ang mga mata ko sa mga salitang binanggit nito, tama si Ate Sabeth gustong-gusto na niyang makita ang Papa niya at ako lang itong may ayaw.

"Ceejay?" Boses ko iyon.

Napalingon ito saglit at muling binalik ang tingin sa camera.

"Sige na po Papa, tinatawag na po ni Mama. Babyee po, iloveyou po Papa."

Tuluyan na akong napaiyak habang matamang tinitingnan si Ceejay, patawarin mo ako anak nagkamali si Mama. Hindi ko mapigilang maawa sa anak ko, pakiramdam ko siya ang naiipit sa pagitan namin ni Yaji.

Maaga akong nagising para magluto ng agahan para sa amin ni Ceejay at para na din kela Ate Sabeth. Alas-nwebe na ng umaga pero tulog na tulog pa din ang anak ko, kaya naman nong matapos na akong magluto ay agad ko siyang ginising.

"Ceejay? Nak, gising na tanghali na po." Malambing kong sabi.

Inunat-unat nito ang kaniyang katawan sabay hikab hanggang sa dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata.

"Goodmorning, bangon ka na diyan." Sabay halik sa pisngi nito.

"Goodmorning po Mama," sagot nito sa akin.

Inalalayan ko itong bumangon pero mukhang antok na antok pa ito.

"Kain na tayo, saka pagkatapos no'n. Maligo ka na at magbihis kasi may pupuntahan tayo."

Kinusot nito ang mga mata at mataman akong tiningnan.

"Saan po tayo pupunta, Mama?"

Nginitan ko ito habang kinukuha ang mga muta sa mga mata nito.

"Gusto mo puntahan ang Papa mo diba? Kaya pagbibigyan ka ni Mama, pupunta tayo ngayon sa Papa mo." Sambit ko.

Nagliwanag ang mukha nito kasabay no'n ang paglabas ng malawak nitong ngiti. Hindi ko na din mapigilang mapangiti habang nakikitang masaya ang anak ko. Hindi ko man alam kong ano ang magiging kalalabasan nito, pero sana tanggapin ni Yaji si Ceejay ng walang pag-aalinlangan. Kahit ang anak ko na lang, huwag na ako.

Pagkatapos namin kumain ay agad na itong naligo at nagbihis, tinawagan ko na din si Paolo para magiging kasama ko paluwas ng Manila. Ilang taon na din ang nagdaan, kamusta na kaya si Yaji ngayon?

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon