Chapter 17

151 3 0
                                    

Walong oras ang byahe mula batangas port hanggang caticlan port, kaya naman ay alas-dose na ng tanghali ng makarating kami. 

Pagbaba namin ng barko ay may dalawang lalaking sumalubong samin ni Sir Yaji.

"Hello! Mr. Figueroa, isa ako sa mga staff ng hotel. And where here to accompany you," nakangiti nitong sabi.

Tumango at nakangiti si Sir Yaji sa kaniya, bago nito kinuha sa'kin ang dala kong gamit para sila na ang magbitbit.

"Iyan po ang private yatch na sasakyan natin papuntang boracay. So let's go Sir." Sabay turo sa isang kulay puting yate.

Nagsimula kaming maglakad papunta doon, meroon itong maliit na tulay na gawa sa kahoy upang madaanan namin paakyat ng yate. Nang makasakay na ay isa-isa kami nitong binigyan ng life jacket for safety purpose na din.

Umaalis na ang sinasakyan naming yate, masarap sa pakiramdam ang hampas ng sariwang hangin. Ang sarap sa feeling magbakasyon sa ganitong lugar kapag gusto mo ng peace of mind.

"Alieson, can you do me a favor?" Biglang sabi ni Sir Yaji.

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya, habang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"Can you pretend to be my girlfriend?"

Hindi agad ako nakasagot sa biglang winika nito dahil hindi agad 'yon naproseso ng utak ko. As in legit ba? Nanaginip ba ako? Gusto niya magpanggap ako bilang girlfriend niya?

"It's okay kong ayaw m-"

"Ayus lang po sa'kin. Sir," diretsa kong sagot.

Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili sa bigla-bigla kong naging sagot, baka isipin nitong si Sir na easy to get ako ha. Pero magpapanggap lang naman e, wala naman malisya don at ayaw kong bigyan 'yon ng ibig sabihin.

Ngumiti sa'kin si Sir Yaji, at 'yon ang unang araw na nakita ko siyang gano'n. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko, kasabay no'n ang pagliparan ng mga paru-paru sa tiyan ko. Wtf!

Inaamin ko na sa tuwing nakikita ko ang maamo nitong mukha o nakangiti ay parang tumitigil ang oras, kahit gaano man kadami ang taong nasa paligid ko, si Sir Yaji lang ang palagi kong nakikita.

Pagdating namin sa daungan ng yate ay agad kaming sinalubong ng iba pang staff ng mga hotel. Nakangiti itong lumapit samin at nakipag-kamay kay Sir Yaji.

"Hi, I am Yaji Figueroa," nakangiting pagpapakilala nito.

"Hello, Mr. Figueroa. My name is Liz Velasco the manager of Red Coco Beach Hotel, welcome to Boracay."

Napakaaliwalas ng buong paligid at masarap ang simoy ng hangin, hindi ako makapaniwalang nakarating na ako ngayon sa lugar na toh. Naglalakad na kami ngayon papunta ng hotel habang iniikot ang tingin sa paligid ng biglang nabangga ang noo ko sa isang matigas na bagay. Pader ba 'yon?

Sapo-sapo ko ang noo, ng mapagtantong likod pala iyon ni Sir Yaji, napatigil ito sa paglalakad at seryoso lang ang tingin nito sa harapan. Agad ko namang binalingan ng tingin iyon ng makita ang isang napakgandang babae na ngayun ay seryoso lang din na nakatingin kay Sir Yaji.

"Hi Yaj, long time no see," nakangiti nitong wika.

Grabe para siyang anghel na bumababa sa langit sa sobra niyang ganda at puti, napakasopistikada niyang tingnan. Perfect na perfect siya sa mga mata ko, at bagay sila ni Sir Ya-

"May kasama ka who is she?" Binalingan ako nito ng tingin saka ngumiti.

"Hi, I'm Alieso-"

"Alieson Rodriguez, my girlfriend or should I say my future wife."

Natameme naman ako bigla sa naging sabi ni Sir Yaji, ang usapan namin magpapanggap lang akong girlfriend niya pero bakit biglang may pagano'n.

Mula sa nakangiting awra ay sumeryoso ang mukha ng babaeng nasa harap namin ngayon. Ang init ata ng tensiyon sa pagitan ng dalawang to, anong meron?

"Well, congratulations Yaji. By the way this is Paulo my boyfriend." Pagpapakilala nito sa lalaking katabi niya ngayon.

Hindi na sumagot si Sir Yaji at nanatili lang nakangiti, bigla namang hinawakan ni Sir Yaji, ang bewang ko dahilan para bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Ano ba Alieson!

"Hon, let's go." Yaya nito sa'kin.

Hawak-hawak ni Sir Yaji ang bewang ko habang naglalakad kami papasok na ng hotel.
Isang room na lang ang available ngayon lalo na't madami daw ang turista, hindi ko alam kong ano mararamdaman ko ngayon at magsasama kami ni Sir Yaji sa iisang kwarto.

Pagpasok namin sa loob ng hotel room ay iisa lang ang kama, malaki naman siya at kasyang-kasya ang dalawang tao pero hindi ako sanay na meron akong katabing lalaki. Wag naman sana.

"Stay here, I have a meeting today. Kapag nabobored ka, pwede ka namang mamasyal sa labas." Bilin nito sa'kin bago umalis.

Naiwan ako sa kwarto na mag-isa habang ginagala ang tingin sa kabuuan nito, iisa lang ang kama niya pero meron naman siyang sofa. Doon na lang siguro ako matutulog mamayang gabi.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon